Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Green thumb campaign para sa tamang pagboto, inilunsad sa Palawan

SHARE THE TRUTH

 1,600 total views

Ikinagalak ni Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo ang paglulunsad ng Green Thumb sa kanilang lalawigan

Ayon sa Obispo, isa itong mabuting gabay para sa mapanagutang pagboto ng mamamayan ng Palawan upang makilatis nitong mabuti ang tunay na intensyon ng mga kandidato sa likas na yaman ng kanilang lugar.

Dagdag pa ni Bishop Arigo, sa pamamagitan ng Green Thumb mas mapaiigting ang pangangalaga sa kalikasan sa Palawan na tinaguriang “The Last Frontier.”

“Sana nga ay gawin na yang isa sa batayan sa ating pagpili ng ibobotong kandidato, titignan kung kasama bas a kanilang plataporma yung sinasabi ni Pope Francis na care for our common home, o kaya yung mga negosyante na pro-mining ay dapat wag nang iboto yan, kaya pipiliin natin at kikilatisin yung mga plataporma ng mga kandidato yung mga may environmental plans and platform.”

Sa pagsisiyasat ng PMCJ, plano ng kumpanyang DMConsunji Holdings Incorporated na magtayo ng 15 megawatt coal fired Power Plant sa Nara Palawan, na mariin namang tinutulan ng mga residente.

Sa pag-aaral ng Philippine Movement for Climate Justice, sa kasalukuyan ay mayroong 17 pasilidad ng Coal Fired Power Plants sa Pilipinas kung saan 11 dito ay nasa Luzon, Lima ang nasa Visayas at isa ang matatagpuan sa Mindanao.

Sa ulat ng Center for Global Development ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission.

Naiulat na umabot sa 35,900,000 ang carbon o maruming hangin na ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.

sa Encyclical na sinulat ng Santo Papa, hinimok ni Pope Francis ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga Fossil Fuels upang sa mga susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog sa mga Fossil Fuels.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 80,032 total views

 80,032 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 92,572 total views

 92,572 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 114,954 total views

 114,954 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 134,293 total views

 134,293 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 28,114 total views

 28,114 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 230,844 total views

 230,844 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 174,690 total views

 174,690 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top