Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Alay Kapwa program sa Visayas region, inilunsad sa Diocese of Maasin, Southern Leyte

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Pormal ng sinimulan ng Diocese of Maasin ang paglulunsad ng Alay Kapwa program sa Visayas region.

Pinangunahan ni Diocese of Maasin Bishop Precioso Cantillas ang pagbati sa may 600 delegado mula sa 16 na Diyosesis sa Visayas kung saan kanyang ipinahayag ang kagalakan ng kanilang diyosesis na manguna sa ginagawa ngayon pagtitipon.

Ipinaliwanag naman ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary.ng NASSA/Caritas Phillippines ang kahalagahan ng Alay Kapwa at kung bakit ito ginagawa ng Simbahan.

Ayon kay Fr. Gariguez, ang Alay Kapwa ay bahagi ng misyon ng mga katoliko upang magbahagi ng atin mga sarili sa atin kapwa na nangngailangan lalo na ang mga mahihirap.

“Bakit dapat mag-alay kapwa? Ang atin pananagutan sa mahihirap ay makikita natin ang kristiyanong responsibilidad. Ito ay pananagutan natin lahat na kristiyano, ito ay mandato mula sa ebanghelyo, passion and love for the poor.” Pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaasahan na ang pondo na malilikom para sa Alay Kapwa ay ilalaan sa pangangailangan ng Simbahan na tumugon sa oras ng kalamidad at iba pang Social services.

Batay sa datos ng Nassa/Caritas Ph, umabot sa P4 na milyono ang pondo na kanilang nakalap mula sa Alay Kapwa Program noong taong 2015.

Isa sa mga natulungan ng Alay Kapwa Program ay ang mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Nona noong December ng 2015 kung saan P2 milyon ang inilaan ng Simbahang Katolika sa 5 apektadong diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,909 total views

 59,909 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 78,258 total views

 78,258 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 96,542 total views

 96,542 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 251,354 total views

 251,354 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,801 total views

 295,801 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 64,438 total views

 64,438 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 77,731 total views

 77,731 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top