Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo, hinimok ang CBCP na maglabas ng pahayag hinggil sa usapin ng money laundering at casino

SHARE THE TRUTH

 160 total views

Hinihimok ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maglabas ng pahayag hinggil sa usapin ng $81-milion money laundering scheme na nasasangkot ang casino.

Ayon sa Arsobispo, kung siya ang masusunod nais niyang ipaalam sa publiko kung ano ang masamang dulot ng casino sa bansa at sa buhay ng bawat nalululong dito.

Pahayag ni Archbishop Cruz, hindi nararapat ang casino sa bansa na alam ang tama at mali, at mas lalong hindi ito kailangan ng mga Filipino dahil sinisira nito ang pamilya, ang kinabukasan ng mga kabataan at ang lipunan.

“Kung ako ang masusunod, nais kong magpalabas ng isang pahayag ang (CBCP) na una ang casino ay hindi marapat sa mga bansa na alam pa ang tama at mali, alam pa ang pagnanakaw at matuwid na buhay, sinisira nito ang pamilya, propesyon at pangalan ng lipunan…” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ng arsobispo, hindi lamang dapat hinggil sa langit ang ibinabahagi ng Simbahan kundi maging ang mga usapin sa lupa na apektado ang moral ng tao gaya ng pasugalan na nagpapahirap pa sa mamamayang Filipino dahil na rin sa mga pandaraya

“Kailangan-kasing mangusap, hindi naman pwede ang Simbahan tungkol sa langit lang, dapat mangusap din hinggil sa kaganapan sa lupa dahil si Kristo lamang anghel at demonyo ang pinangaral niya,” pahayag pa ng Arsobispo.

Ayon sa ulat, ang $81-milyon ay ninakaw sa pamamagitan ng hacking mula sa Bangladesh government at inilagak ang salapit sa Pilipinas sa iba’t-ibang account ng casino sa pamamagitan ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na naging dahilan upang mag imbestiga ang Senate Blue Ribbon Committee kung saan hindi naman nila nakuha ang nais na detalye mula sa mga nasasangkot na personalidad dahil na rin sa Bank Secrecy Law.

Sa ulat ng New York Times noong August 2015, sinasabing pinaka-corrupt ang Pilipinas sa mga bansa sa buong Asya.

Tinatayang nasa mahigit 40 ang operasyon ng casino sa Pilipinas habang sa pag-aaral ng Gamblers Anonymous 1/3 ng mga nalululong sa sugal mga babae na nasa kanilang adolescence days

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,518 total views

 29,518 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,235 total views

 41,235 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,068 total views

 62,068 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,488 total views

 78,488 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,722 total views

 87,722 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,390 total views

 37,390 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,447 total views

 36,447 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,577 total views

 36,577 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,556 total views

 36,556 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top