201 total views
Ipinaabot na ng Commission on Elections (COMELEC) sa head ng kanilang training team ang kahilingan ng mga obispo mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na ire-set ang training dates ng mga guro na miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) at Board of Election Canvassers (BOCs) mula sa Holy Week.
Sa panayam ng Radyo Veritas, ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, hihintayin nila ang tugon ng head ng training hinggil sa nais ng mga obispo.
Sinabi naman ng Comelec chairman na mismong ang Department of Education ang nagpaliban ng trainings ng mga guro sa Marso dahil tapos na ang school calendar at upang hindi makalimutan ng mga guro ang matututunan nila sa training,
“Nakatanggap din ako ng text ng ilang bishop, kaya ipinarating ko na po sa aming head ng training ang hinggil dito, ang hamon namin dito ang oras, ang request kc ng DepEd, ipagpaliban sa Marso kasi konti na lang trabaho nila tapos na ang school calendar, at para daw hindi nila makalimutan ang training maganda daw mas malapit sa halalan,” pahayag ni Bautista sa panayam ng Radyo Veritas.
Una ng nanawagan ang Prelatura ng Isabela De Basilan sa Commission on Elections na ire-set ang petsa ng mga seminar ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) at Board of Canvassers (BOCs) mula sa Holy Week.
Tinutulan ni Basilan bishop Martin Jumoad ang atas ng Comelec sa mga guro na sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) partikular ng Basilan na magsagawa ng kanilang pagsasanay sa mismong Semana Santa dahil aniya, marami ring mga katolikong mga guro sa ARMM na kinakailangan magnilay sa Holy Week lalo na at ito ay mga banal na araw.
“Nag-utos ang Comelec na magkaroon ng traning sa loob ng Holy week yung mga teachers sa whole province ng Basilan, mag traning sila (BEIs at BOCs), mag training sila maski sa Holy Week, kaya nagprotesta ako, irespeto naman sana natin ang Holy Week, importante yun sa mga katolko. Totoo andito kami sa mga lugar ng mga Muslim pero may mga katoliko din dito…bigyan natin ng kahalagahan ang mga araw na ito dahil Holy days for the catholics.” Pahayag ni bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas
Ayon sa obispo, noong 2013, sa 400,000 kabuuang poulasyon ng Basilan, 27 percent o 100,000 dito mga katoliko.