275 total views
‘Walang dapat ipangamba ang mga consumer sa banta ng Newcastle Disease Virus (NDV) sa mga manok sa mga pamilihan.’
Ayon kay Regional Agriculture and Fisheries Council chairman Isidro Acosta, na sinisiguro ng kanilang ahensya na sisiw pa lamang ay bina – bakunahan na nila ang ang mga ito upang makaiwas sa naturang sakit.
Pinag – iingat lang ni Acosta ang publiko sa pagbili ng mga manok sa mga hindi lisensiyadong pamilihan partikular ng mga manok na galing sa Pangasinan at Tarlac.
“Nagtatanong – tanong ako halimbawa sa mga integrators halimbawa sa San Miguel mga sisiw palang binibigyan na ng bakuna ng new castle disease. Mga free raise mga native ang medyo sa banda ng Pangasinan at Tarlac. Wala namang apektado sa komersyal yan,” bahagi ng pahayag ni Acosta sa Radyo Veritas.
Sa datos ng Department of Agriculture o DA umabot na sa 41,000 ang namatay na manok dahil sa Newcastle Disease Virus o NDV sa Northern at Central Luzon na maaring makaapekto sa mahigit 20 milyong manok na nasa poultry.
Batay sa social teaching ng Simbahang Katolika mainam na laging isaalang – alang ng mga producer ang kalusugan ng bawat consumer at hindi lamang ang kanilang kita.