Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Bagaforo, itinalagang Co-President ng Pax Christi International

SHARE THE TRUTH

 2,896 total views

Itinalaga si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong Co-President ng Pax Christi International para sa taong 2025–2028.

Naihalal si Bishop Bagaforo na siya ring bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Interreligious Dialogue kasunod ng naganap na pagtitipon para sa ika-80 anibersaryo ng Pax Christi International na isang pandaigdigang kilusan sa Florence, Italy.

Ang Pax Christi International ay isang kilusang Katoliko para sa kapayapaan at Gospel non-violence na may natatanging papel sa Pilipinas ngayon lalo na habang patuloy na dumaranas ang bansa ng kawalan ng katarungan, pagkasira ng kalikasan, at matitinding alitan sa lipunan.

Ang pagkakahalal kay Bishop Bagaforo ay maituturing ding napapanahon ngayong patuloy na humaharap ang Pilipinas sa matinding pangamba kaugnay sa laganap na katiwalian sa pamahalaan, paghina ng mga demokratikong institusyon, at pangangailangan ng moral na pamumuno sa pamahalaan at lipunan.

Bilang dating Pangulo ng Caritas Philippines, si Bishop Bagaforo ay kilala sa kanyang matatag na paninindigan para sa mahihirap at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Kabilang din ang Obispo sa mga pangunahing nagsulong at tinig sa likod ng Trillion-Peso March Movement (TPMM) na nanawagan para sa katotohanan, pananagutan, at isang pamahalaang hindi tiwali kundi tapat na naglilingkod para sa kabutihan ng sambayanan.

Sa mensahe ng pagtanggap ni Bishop Bagaforo para sa kanyang bagong tungkulin bilang Co-President ng Pax Christi International ay ipinahayag ng Obispo ang kanyang pasasalamat sa tiwala sa kanyang kakayahan at tiniyak ang paninindigan upang maipalaganap sa lahat ang pag-asa na hatid ng Panginoon.

“May our work in Pax Christi be a humble offering—for peace, for justice, and for a future where every Filipino can live with dignity.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Hinihikayat naman ng Pax Christi International ang mga simbahan, kabataan, at mga civic organization groups na maglakbay nang sama-sama sa pagtatatag ng lipunang nakaugat sa katotohanan, habag, katarungan, at pagtatapos ng karahasan na naaayon sa Ebanghelyo.

Sa bagong tungkuling pandaigdig, inaasahang lalo pang palalawakin ni Bishop Bagaforo ang pagsusulong sa pagsasanib-puwersa ng mga simbahan at mamamayan para sa transparency, pagtataguyod ng good governance, pagpapatibay ng partisipasyon ng kabataan, at pagpapalawak ng peacebuilding efforts sa mga lokal at internasyonal na komunidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Awa at hustisya

 9,650 total views

 9,650 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 49,362 total views

 49,361 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 110,066 total views

 110,066 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 122,455 total views

 122,455 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 144,837 total views

 144,837 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top