181 total views
Nagpahayag ng pakiki-dalamhati at kalungkutan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa pagkamatay ng anim na otoridad at walong sibilyan sa ambush ng New People’s Army sa probinsiya ng Cagayan.
Ayon kay CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, kasama ng buong mga pamilya na naiwan ng mga biktima, ang buong samahan ng mga Obispo sa kanilang pananalangin at kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay dahil sa karahasan.
“We have been informed that six policemen were killed in an encounter with members of the New People’s Army. More were wounded, some needing surgery. We, your bishops, are deeply saddened and we extend to the bereaved families of our departed brothers – all of who were Police Officers 1, hence new recruits into the police force — as well as to the anxious members of the families of the wounded our assurances of prayer and solidarity in this dark hour.” bahagi ng statement ni Archbishop Villegas.
Inihayag ng Obispo na hindi rin lingid sa kanilang kaalaman na sinira ng mga miyembro ng N-P-A ang isang malaking irrigation project ng National Irrigation Administration.
Sinabi ng Arsobispo na ito ay maitutring na na moral evil dahil sinira ng mga ito ang proyekto na dapat ay pakinabangan ng mga mahihirap na magsaksa sa kanilang mga pananim at pagsasaka.
“It is part of the information furnished us that the attacks were preceded by acts of destruction by which the New People’s Army burned heavy equipment owned by a contractor engaged by the National Irrigation Administration. Obviously, apart from the moral evil of willfully destroying property is the injury visited on farmers who would otherwise benefit from the irrigation projects.” pahayag ng CBCP President
Kasabay nito, ang pagkundena ng Arsobispo sa murder, extortion at karahasan na ginagawa ng NPA.
Pinuri at pinasasalamatan ng CBCP President ang pagbibigay ng papuri at pasasalamat sa mga otoridad na nagbuwis ng kanilang buhay dulot ng ating demokrasya sa bansa.
“Our fallen policemen gave their lives in defense of our democratic way of life. We reprove strongly the posturing of a group that holds itself out as the defender of people’s rights but has no compunctions about what are essentially acts of pillage, brigandage, extortion and murder, pahayag pa ng Arsobispo
Hinikayat din ng Arsobispo ang magkabilang panig para sa pagkakaroon ng kapayapaan na nakabatay sa katarungan at patuloy na isulong ang paggalang sa karapatang pantao ng bawat isa at ang tamang paghahayag ng prinsipyo at pakikipaglaban na hindi nakasisira ng buhay at kapayapaan.
Noong 2010, naitala sa Mindanao ang 250 pag-atake ng NPA na ikinamatay ng may 300 mga sundalo.
Nabatid na 32-porsiyento ng mga pag-atake sa Mindanao ay isinagawa ng N-P-A.(Riza Mendoza)