Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Charity works sa mga simbahan at bilangguan, pinaiigting ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 486 total views

Sisimulan ng Diocese of Malaybalay, Bukidnon ang pagpapayabong ng kanilang mga charity works sa mga ospital at bilangguan.

Ayon Kay Rev. Fr. Darwin Alcotin, Social Action Center (SAC) director ng Diocese of Malaybalay na ngayong buwan ng Marso ay idineklara nila bilang “Social Action Month.”

Kasabay din nito ang pag-host nila sa kauna- unahang pagkakataon ng launching ng Alay-Kapwa sa Mindanao region.

“Sa ngayon po pagkatapos ng launching magsisimula po kami ng pag – iikot sa mga parishes para sa pag – mobilized ng Alay-Kapwa at pagbibigay ng formation. Kasi may manual po tayo para sa formation ng mga parokyano natin. Tapos mayroon naman tayong mga parish workers na tutulong sa atin para sa pagkakampanya ng Alay-Kapwa. At dito sa diocese namin mayroong kami by the month of social action month po namin. Ito rin po ang kampanya natin para sa social action works. May mga areas po kaming pupuntahan sa mga social action works this year of Mercy. Pupunta po kami sa mga ospital, pupunta po kami sa mga bilangguan bilang bahagi ng launching ng Alay-Kapwa dito sa Malaybalay, Bukidnon,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alcotin sa Radyo Veritas.

Ipinagpasalamat rin nito ang patuloy na suportang ipinagkakaloob sa Alay-Kapwa ng mga mananampalataya sa kanilang diyosesis.

“Nagpapasalamat po kami dahil kami ang host ngayong launching ng Alay-Kapwa. Nagpapasalamat po kami sa mga delegates at participants sa launching ng Mindanao Region ng Alay-Kapwa launching.

Nagpapasalamat ako sa palaging suporta ng mga parishioners. Kahit na konti lang Hindi masyadong malaki pero at least may naibibigay na ambag sa nabibigay na tulong. Salamat sa mga taong laging sumusuporta sa Alay – Kapwa,” giit pa ni Fr. Alcotin.

Binubuo ng 85 diocesan social action center ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap at kapus- palad.

Ang Alay-Kapwa ay ipinagdiriwang ngayon tuwing ika 3 Linggo ng Kwaresma sa Ika-41 anibersaryo nito.

Kasabay nito ay ang national launching sa Diocese of Maasin, Malaybalay at Archdiocese of Lipa.

Sa tala ng Mindanao Social Business Summit, 10 sa 16 na lalawigan ay kabilang sa mahihirap na lugar sa Pilipinas kabilang dito ang Lanao del Norte, Maguindanao, Zamboanga del Norte, Saranggani, North Cotabato, Bukidnon, Lanao del Norte, Camiguin, Sultan Kudarat at Sulu.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,113 total views

 59,113 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 77,462 total views

 77,462 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 95,746 total views

 95,746 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 250,560 total views

 250,560 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,007 total views

 295,007 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 159,625 total views

 159,625 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 265,892 total views

 265,892 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 291,706 total views

 291,706 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 295,009 total views

 295,009 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top