177 total views
Pinasalamatan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa pagtitiwala nito sa tanggapan sa usapin ng paghahanda sa May 9, national and local elections.
Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, sa katunayan, naanyayahan siya sa plenary ng mga obispo kasabay ng International Eucharistic Congress at naibahagi niya sa plenary ang ginagawa nilang paghahanda,
Sa ngayon, ayon kay Bautista, masasabi niya na walang balakid o dahilan para hindi matuloy ang halalan sa bansa.
Dagdag ng Comelec head, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanda at koordinasyon sa mga kinauukulan sa usapin ng seguridad.
“Naanyayahan tayo sa CBCP plenary sa Cebu kamakaialan, nabigyan tayo ng pagkakataon na maipaliwanag kung ano ang ginagawa nating paghahanda at salamat kay archbishop Socrates Villegas sa kanyang suporta. Tuloy tuloy naman ang aming paghahanda at wala naman akong nakikitang balakit o dahilan para hindi tayo magkaroon ng eleksyon ngayon pero hindi ko po alam ang mangyayari sa mga susunod na mga araw, so far under control naman ang mga bagay bagay.” Pahayag ni Bautista sa panayam ng Radyo Veritas
Kaugnay nito, ayon kay Bautista,ang pananalangin pa rin ang pinakamabisang gawin para matiyak na ligtas, payapa at magtatagumpay ang nakatakdang halalan.
Ayon sa Comelec, nasa 54.3 milyon ang registered voters ng May 2916 elections, nasa mahigit 18,000 ang elective positions habang boboto ang bawat kandidato ng 28 hanggang 35 na posisyon sa kaniyang balota ngayon halalan. (Rhoda Quinto)