Comelec, nais ipagpaliban ang halalan sa June 9, 2016

 23 total views

Nasa emergency crisis mode ngayon ang Commission on Elections.

Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, kaugnay ito ng desisyon ng Korte Suprema na kailangan ng tanggapan na maglabas ng resibo sa darating na May 9 elections.

Iginiit ng Comelec na gahol na sila sa oras para baguhin pa ang kanilang paghahanda hinggil sa pagpapalabas ng resibo.

Dahil dito, isang opsyon nila ay ang maipagpaliban ang halalan mula May 9, 2016 ay gawin na lamang itong June 9, 2016.

“Isa yan sa opsyon na tintingnan naming, kung hindi rin magiging ,aayos at credible ang may 9 elections need talagang ipagpaliban yan, mahalaga ang darating na linggo kung ano ang magiging pasya ng Korte Suprema” ayon kay Bautista sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Bautista, sinabi rin sa kanila ng Smartmatic na maaring tumagal ng mahigit 20 oras ang botohan kung magbibigay pa ng resibo sa mga botante.

Kaugnay nito, una ng naghain ng motion for reconsideration ang Comelec sa Korte Suprema para sa kanilang mga dahilan kung bakit mahihirapan silang ipatupad ang pagpapalabas ng resibo sa darating na halalan.

“Naghain kami ng motion for reconsideration kung saan unang una nagbigay kami ng mga rason kung bakit mahihirapan na ipatupad ang pag iimprenta ng resibo sa halalang ito, gusto rin naming i-klaro ang issue ng “Voter Verified Paper Audit Trail, kasi medyo sumalungat ang desisyon nila ngayon kumpara dati, kung saan ang tinutukoy na pad ay ang ballot pero sa bagong desisyon ito ay ang resibo, unang una ang resibo walang mga security mark pwede ipuslst sa araw ng halalan, pwedeng I switch sa ibang resibo sa mga fast food chain kaya kailangang pag-aralang mabuti…” ayon pa sa Comelec chairman.

Nasa 54.6 na milyon ang rehistradong botante ngayong halalan kung saan nanawagan ang Simbahang Katolika na ihalal lamang ang mga tunay na maka-kalikasan, maka-Diyos at maka-mahirap.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox