178 total views
Ikinalungkot ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines o COTESCUP nang hindi magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema para harangin ang pagpapatupad ng K-12 program.
Ayon kay Rene Tadle, lead convenor ng COTESCUP at ng suspend K-12 coalition, itutuloy pa rin ang kanilang panawagan na ideklarang unconstitutional ang K-12 Law matapos ibasura ng Supreme Court ang kanilang petisyon.
Aniya,ipagpapatuloy pa rin nila ang pagsasampa ng petisyon para sa motion for reconsideration upang hindi tuluyang maibasura ang kanilang request na TRO.
“Ang denisisyunan naman ay yung request for Temporary Restraining Order ang gagawin namin we will file a motion for reconsideration on the decision not to dismiss our request for a TRO. Yung iba namang petitioner ang gusto ay they will actually asked the court and will file a motion to immediately resolve the petition by scheduling an oral argument; or for the court to request all the parties to submit a memoranda to make a decision before June,” bahagi ng pahayag ni Tadle sa Radyo Veritas.
Magugunitang iginiit ng nasa 7 petitioners na hindi dumaan sa malawakang konsultasyon ang ipinasang Republic Act 10533 o ang K-12 Law bago ito tuluyang ipatupad.
Nauna na ring sinuportahang ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang isinampang TRO ng mga guro matapos nitong pangambahan ang nasa 30,000 mga guro mula sa teaching at non-teaching personnel na mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagpapatupad ng K-12 program sa bansa.