Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Deklarasyon ng Boac cathedral bilang Important Cultural Property, isang testimony of faith.

SHARE THE TRUTH

 541 total views

Ang deklarasyon sa Boac Cathedral bilang isang Important Cultural Property (ICP) ay isang patunay at pagkilala sa katatagan ng pananampalatayang Katoliko ng mga Marinduqueños.

Ito ang pagninilay ni Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit kaugnay sa opisyal na paglagda ng deklarasyon at unveiling ng marker ng National Museum of the Philippines sa Boac Cathedral bilang isa sa Important Cultural Property (ICP) sa bansa.

Ayon sa Obispo, isang malaking biyaya sa diyosesis ang naging deklarasyon sa Simbahan na bukod sa pisikal na katatagan ng istruktura na dumaan na sa iba’t ibang kalamidad at sitwasyon ay saksi rin sa matibay na pananampalatayang Katoliko sa lalawigan.

“Malaking bagay yun kasi ito’y testimony una ng history ng Catholic Church sa isla ng Marinduque na kasi yung Cathedral will always stand as isa sa mga central piece noong faith na dinala sa Marinduque. Una ito ay testimony ng resilience of faith, yung katatagan ng pananampalataya noong mga taga-roon sapagkat yung Cathedral ay dumaan na sa napakaraming lindol, napakaraming bagyo, gyera hanggang sa kinuha pa ng mga Amerikano yung Cathedral at ginawang parang barracks pero it survive it all those years.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi din ng Obispo na isa ring katibayan ang pagkilala sa pambihira at mayamang kultura ng mga Marinduqueños na patuloy na napalago ang pananampalatayang Katoliko na dala ng mga Espanyol sa bansa.

Inihayag ni Bishop Maralit na hindi matatawaran ang mga kwento ng buhay, pananampalataya at pasasalamat sa Panginoon ng bawat mananampalataya na nasaksihan ng Boac Cathedral sa loob ng mahabang panahon.

“Katibayan din ito at testimony ng richness of the faith dahil culturally speaking kaya siya ay tinawag na Important Cultural Property it shows that culturally maipagmamalaki simula’t sapul ang mga Marinduqueño at ang pananampalatayang Kristyano, it was a culture brought in by the Spaniards, taking in by the Marinduqueños and enriched by the Marinduqueño so again it’s a testimony of the richness and the treasures that is within the Catholic faith and the Catholic Church in Marinduque…” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Pinangunahan ni Bishop Maralit ang paglagda ng deklarasyon at unveiling ng marker ng National Museum of the Philippines sa Boac Cathedral.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng centennial celebration ng pagkakatatag sa Marinduque bilang isang lalawigan na ipagdiriwang mula ika-16 hanggang ika-23 ng Pebrero.

Disyembre taong 2018 ng ideklara ng National Museum of the Philippines ang Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Boac Cathedral na isang Important Cultural Property (ICP) bukod pa sa may 40 iba pang mga lugar at ilan pang mga Simbahan na una ng idineklara bilang National Cultural Treasures (NCT) at ICP.

Ang titulo ng ICP ay iginagawad sa mga ari-arian o istruktura na may malaking ambag at kinalaman sa makasaysayang kultura at artistiko sa bansa.

Ang Dambana ng Banal na Ina ng Biglang Awa o mas kilala bilang Boac Cathedral ay itinayo noong taong 1792 ay pinaniniwalaang nagligtas at tumaboy laban sa pananakop ng mga moro noong ika-18 dantaon.

Ang National Cultural Heritage Act of 2009 na hango sa Batas Republika Bilang 1-0-0-6-6 ay tumutukoy sa mga istruktura at iba pang lugar sa bansa na nagtataglay ng mayamang kultura, sining at pang-agham na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 12,504 total views

 12,504 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 86,805 total views

 86,805 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 142,561 total views

 142,561 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 103,494 total views

 103,494 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 104,604 total views

 104,604 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 7,666 total views

 7,666 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 41,364 total views

 41,364 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567