Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Photo courtesy to : Caritas Manila

Employment opportunities sa YSLEP graduates, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 2,087 total views

Pinalawig ng Caritas Manila ang pagtulong sa mga benepisyaryo ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP).

Ayon kay Susan Gomez – Pangulo ng Caritas Manila Scholars Association, ito ay sa pamamagitan ng pinaigting na pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang agad na bigyan ng trabaho ang mga YSLEP graduates.

“I think ang ating average namin dito sa Metro Manila na scholars na nagkakaroon ng trabaho is about 90%, 80 to 90%, ang problema lang po natin ay sa probinsya, yun po ang tinutututkan namin na sana ay magkaroon ng employment opportunities in the provinces para hindi na po pupunta dito sa Metro Manila yung ating graduates,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Gomez.

Dagdag pa sa tulong ang paglulunsad ng mga fund raising events na katulad ng Pinta ng Bukas at balik-handog program kung saan simula noong 2022 ay nakalikom na ng higit sa 5-milyong pisong pondo na ihahandog para sa pag-aaral ng mga YSLEP at CAMASA Scholars at programs.

Tiniyak rin ni Gomez na bukod sa tulong sa trabaho at pinansyal na pag-agapay sa mga scholars ay inaalagaan din ang mental health ng mga mag-aaral at CAMASA Members na lubhang naapektuhan ng dahil sa nakalipas na suliranin ng COVID-19 Pandemic.

“But despite the fact na mayroong ganon we created committees that will help, nagkaroon kami ng mga programs for mental health, we also held a program na KAMUSTAHAN and also noong medyo nakaluwag na ang panuntunan ng pandemic then we started all the programs that we left behind,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Gomez.

Magugunitang umabot sa mahigit 1,600 ang napagtapos sa pag-aaral ng YSLEP noong School Year 2022-2023 kung saan umabot sa 111-milyong piso ang nailaan pondo para sa pag-aaral ng higit sa limang libong YSLEP Scholars kada taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 46,802 total views

 46,802 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 66,487 total views

 66,487 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 104,430 total views

 104,430 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 122,383 total views

 122,383 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Radio Veritas, nagluluksa sa pagpanaw ni MG

 233 total views

 233 total views Nagluluksa ang Radio Veritas sa pagpanaw ni Mario Garcia, dating Vice President for Programming,at station manager na nagsilbing isa sa mga pangunahing haligi

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 8,939 total views

 8,939 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Senado, kinundena ng BIEN

 8,940 total views

 8,940 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »

DA,kinilala ng FFF

 9,746 total views

 9,746 total views Kinilala ng Federation of Free Farmers ang pagbibigay ng prayoridad ng Department of Agriculture sa sektor ng mga Pilipinong magsasaka ng palay. Ayon

Read More »
1234567