193 total views
“Kasi a Eucharistic person cannot but go out , we have celebrated (communion) yung pagiging pagkakaisa natin dahil andun sa diwa sa ating buhay, tinutulak tayo palabas ng Panginoon, nagbibigay sa atin ng misyon na lumabas tayo sa ating lungga at pumunta sa laylayan ng bayan, commissioning, sabi nga ni archbishop Palma, tayo ay biniyayaan so sana maging biyaya tayo sa bawat isa, we proclaimed to all men and women, the good will Christ in us, our hope our grory, ang ganda ng hamo na ito.” Pahayag pa ni Mapayo.
Ang pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis noong January 2015 ay isang expression of faith at pagmimisyon, ang paglingkuran ang may 16 na milyong nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na misyon niyang ibahagi sa kanila ang awa at habag at ang pagiging kaisa nila ang Panginoon sa lahat ng mga naging pagsubok sa kanilang buhay.
Dinaluhan ang 51st IEC ng may 15,000 delegado mula sa 72 mga bansa kung saan inanunsiyo naman ni Pope Francis na gaganapin ang 52nd IEC sa Budapest Hungary sa 2020