142 total views
Ito ang payo ng Obispo kung walang mapagpilian sa mga kakandidato sa 2016 national at local elections sa darating na Mayo.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi tamang pumili ng mga kandidatong masasabing “lesser evil” dahil ito ay pagboto pa rin sa maling kandidato.
“Kung wala naman tayo mapili, huwag tayong pumili ng lesser evil because to vote for lesser is a vote for evil. Kaya kung wala tayong makita na karapat-dapat, ang hindi paglagay ng pangalan sa ating balota ay bahagi na rin ng ating political choice at hangarin na maibalik ang kultura ng kabutihan sa political system ng bansa.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Sinabi ng Obispo na bahagi din ito ng commitment ng mga mananampalataya sa eukaristiya at sa ating pananampalataya na maging responsible sa ating pagboto at huwag hayaang maibenta at maimpluwensiyahan ang boto.
“Huwag tayung magpapadala lang sa mga sabi sabi ng iba, kaya habang tayo ay sumisikap na bumuto ng maayos pangalagaan din natin na huwag tayung madala ng panlilinlang, huwag tayung madala ng pagbibili ng boto, so yun ay commitment din natin sa eukaristiya.” paliwanag ni Bishop Pabillo.
Hinimok din ng Obispo ang mga botante na pahalagahan at pasalamatan ang diyos sa dakilang pagkakataon na siya ay sumasaatin kayat papahalagahan dapat natin ang kanyang presensiya sa banal na eukaristiya.
“Ito ay nangangahulugan na tayo ay biniyayaaan, may commitment din tayo, commitment na dapat nating pahalagahan ang pananampalataya at isulong ang panawagan ng pananampalataya.” dagdag pahayag ng Obispo.
Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na base sa pastoral statement ng CBCP, umaasa ang kapulungan ng Obispo na mapapasaatin ang biyaya at grasya ng Panginoon sa darating na halalan.
Nanawagan ang C-B-C-P sa mga mananampalataya na sikaping bumoto ng maayos at bantayan na mabilang ang ating mga boto.
“Sa eleksiyun sana ang Diyos ay sumasaatin, kaya may pag-asa tayo, may hope of glory at kailangan din po tayo na makikiisa sa nangyayari sa ating mundo ngayon kaya sikapin natin na bumuto ng maayos para sa eleksiyun, tayo ay magbantay na ang boto natin ay dapat na bilangin. Kaya tinawagan din natin ang COMELEC na maglagay ng mga safety features sa mga makinang gagamitin sa halalan na nakapaloob sa batas”.saad ng Obispo
Sa datus ng Commission on Elections,mayroong kabuuang 54.4 milyon ang registered voters na siyang pipili at maghahalal ng mga susunod na lider ng ating bansa sa susunod na anim taon.