Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi bawal ang pagkakawanggawa

SHARE THE TRUTH

 102,042 total views

Maligayang Pasko, mga Kapanalig!

Sumapit na nga ang pinakamasayang pagdiriwang para sa ating mga Katoliko. Sa araw na ito, ipinanganak si Hesus na ating Tagapagligtas. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga bata dalawang Biyernes na ang nakaraan, sinabi ni Pope Francis, “Christmas is a reminder that God loves us and wants to be with us.” Paalala ang Pasko na mahal tayo ng Diyos at nais Niyang makapiling tayo. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, pinili ng Diyos na samahan ang sangkatauhan at manatili sa ating piling. 

At ang payak Niyang pagdating sa mundo ay isang paalala rin ng pagkiling ng Panginoon sa mga dukha at maliliit. Isinilang Siya—hindi sa isang palasyo o mansyon—kundi sa isang karaniwang lugar na pinaglalagian ng mga pastol, sa isang hamak na sabsaban “sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan,” mababasa nga natin sa Lucas 2:7. Itinaboy si Hesus ni Herodes, ngunit tinanggap naman siya ng mga ordinaryong pastol ng Bethlehem. Ipinanganak Siya sa piling ng mga aba, ng mga walang kapangyarihan, at ng mga maliliit sa lipunan.

Ang pagtanggap na ito ng mga pastol sa sanggol na si Hesus ay maituturing na inspirasyon para sa ating mga Katolikong buksan ang ating mga puso sa ating kapwa, lalo na sa mahihirap at mga nangangailangan. Kaya naman, ang diwa ng Pasko ay hindi lamang tungkol sa pagsasama-sama ng mga pamilya kundi sa pagiging kapatid natin sa iba. Panahon din ito ng pagbabahagi sa iba, kahit pa sa mga hindi natin kakilala, ng ating mga natanggap na biyaya. 

Ngunit umapela ang Department of Social Welfare and Development (o DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga nasa lansangan ngayong Kapaskuhan. Kung gusto raw nating tumulong, huwag daw gawin sa lansangan dahil delikado sa mga nangangailangan. Idaan na lang daw sa mga satellite offices ng DSWD ang ating donasyon at sila na ang bahalang ipaabot ang mga ito sa mga pamilyang walang matirahan o nag-iikot upang mamalimos. Gawin daw natin sa mas “organisadong pamamaraan” ang ating kagandahang-loob.

Sa isang banda, talaga namang delikado para sa mga kababayan nating namamalimos ang mag-ikut-ikot o manatili sa lansangan. Maaari silang masagasaan ng mga sasakyan o kaya naman ay pagsamantalahan ng masasamang-loob. 

Sa kabilang banda, hindi sila mapapadpad sa lansangan kung nakararating nga sa kanila ang tulong na dapat na naipaaabot sa kanila ng gobyerno gamit ang buwis na ating iniaambag. Kung may kabuhayan ang mga kapatid natin sa mga liblib na lugar, hindi na sila mangangahas bumaba sa mga lungsod upang humingi ng kahit kaunting barya. Kung may nakakain sila sa kanilang pinanggalingan, hindi na sila mamamalimos. Kung may maayos silang tirahan, hindi nila pipiliing tiisin ang lamig sa kalsada. Kung nabigyan sila ng maayos na edukasyon, hindi sila mapipilitang umasa sa awa ng iba. Tiyak na hindi gugustuhin ng mga tatay, nanay, lolo, lola, at mga bata ang mamalagi sa kalsada kung may choice lamang sila. Ang katotohanan para sa marami sa kanila, wala silang choice.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na ang pag-aabot ng tulong, kahit kakaunti lang, ay nakikitang pangungunsinti sa gawaing itinuturing na mali—o hindi “organisado”—ng mga may komportableng pamumuhay, ng mga sagana sa pribilehiyo, at ng mga may sinasabi sa buhay. Samantala, tayo namang mga ordinaryong mamamayan, lalo na ang mga Katoliko, ay inaanyayahang huwag lamang manatili sa pagbibigay ng limos. Ang laging hamon sa atin: ibigin si Hesus, ang Mesias, sa pamamagitan ng pag-ibig sa mahihirap. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ngayong Pasko. Gawin natin ito sa pamamagitan ng pagkalampag sa mga may kakayahan at may malaking tungkuling iahon ang mahihirap—kasama na rito ang gobyerno at maging ang ating Simbahan mismo.

Sumainyo ang katotohanan!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 77,911 total views

 77,911 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 90,451 total views

 90,451 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 112,833 total views

 112,833 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 132,206 total views

 132,206 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 26,251 total views

 26,251 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 77,912 total views

 77,912 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 90,452 total views

 90,452 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 112,834 total views

 112,834 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 132,207 total views

 132,207 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 167,619 total views

 167,619 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 167,840 total views

 167,840 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 181,584 total views

 181,584 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 190,351 total views

 190,351 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 213,646 total views

 213,646 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top