179 total views
Kinakailangan na mga sectoral groups ang mga panel sa mga debate at hindi media organization.
Ito ang reaksyon ni Radyo Veritas senior political adviser UP Political Science Prof. Clarita Carlos sa naganap na Pilipinas Debate 2016 ng limang presidentiables sa Cagayan de Oro City kahapon.
Ayon kay Prof. Carlos, ito’y dahil hindi naman naipakita ng media entity kung ano ang tunay na intensyon ng nakararami.
Sa halip, sinabi ni Prof. Carlos, mas maganda na ang mga bumuo at nagtanong ay mula sa sectoral groups gaya ng mga magsasaka, mangingisda, o academe
“Sa susunod dapat di media nag panel dapat sectoral groups, mangingisda, magsasaka, academe na tulad ko, para yung itatanong namin something that is close to our concerns, we don’t need numbers, we just need good intention,..” pahayag ni Prof. Carlos sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa nasabing debate, present lahat ang 5 presidentiables na sina Grace Poe, Miriam Santiago, Manuel Roxas, Jejomar Binay at Rodrigo Duterte kung saan nasa 1,500 ang nakibahagi.
Una ng hinihimok ng Simbahang Katolika ang publiko na bumoto ng naaayon sa konsensiya, kung saan ihalal din ang mga kandidatong tunay na maka-mahirap, maka-kalikasan at may takot sa Diyos.
Nasa 54.6 ang registered voters ng May 9, 2016 national and local elections.