151 total views
Kinakailangang tukuyin ng susunod na mamumuno sa bansa ang sinasabing historical roots kung bakit may karahasang nagaganap.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities, ito ay hindi upang maghiganti kundi para sa paghihilom ng sugat na iniwan nito sa tao o maging sa komunidad.
Pahayag pa ng pari, kinakailangan din na taglayin ng isang bagong lider ng bansa ang maging ‘healer’ na ang gamit ay pagpapatawad at ang pag-amin sa kasalanan na isa sa pinakamabisang paraan ng kagalingan.
“A healer shoud understand ano bang sanhi ng sugat? What is behind this, of course kasunod nito compassion importante yan, if maghihiganti ka walang healing na magaganap…forgiveness is one of the most effective way of healing, anong problema? you aknowledge, if you have to admit the guilt to own up, there is always a healing process, forgiveness and reconciliation is part of that, “ pahayag ni Fr. Picardal sa Truth Forum ng Radyo Veritas.
Ibinahagi din ni Fr. Picardal ang personal niyang karanasan kung bakit nakamit niya ang healing matapos maging biktima ng isang karahasan nang paslangin ang kanyang ina noong 1985 ng mga hinihinalang Moro sa Iligan
Ayon sa pari, nag-isip siya na maghiganti at suportahan na lamang ang armed struggle subalit nagising siya nang maganap ang EDSA revolution na hindi dumanak ng dugo na makamit ang katarungan mula sa diktadurya
“My mother when she was 59 year old, pinatay siya, Muslim ang mga pumatay we found out on month later, 1985 yun, nag-isip ako panahon na ba para suportahan ang armed struggles or shall I wait sa elections?, as I have other friends were involved in armed struggle, I prayed for justice, napatay naman ang apat (suspek), Pinakamabigat na sign was the EDSA revolution, it was a non-violence in a matter of 4 days, nawala sa puwesto ang diktador, so no reason na for me na bakit pa you have to go to the mountain, even sa ibang conflicts, anak ng sundalo, anak ng NPA, there are historical roots of the conflict to understand, it is just not kung ano ang nangyari ngayon kasi ang nangyari is what you call spiral of violence, like may nangyari dito and you have to retaliate, the question you talking about healing.” Dagdag pa ni Fr. Picardal.
Sa record ng Philippine government mula sa Alamia, dahil sa kaguluhan particular na sa Mindanao, nas amahigit 60,000 na ang nasawi, 2 milyon ang internal refugees, 535 mga mosques at 200 paaralan na ang nawasak habang gumastos na ang pamahalaan ng P76 bilyon para lamang masawata ang kaguluhan sa Mindanao.