Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 453 total views

Matapos ang Huwag Kang Magnakaw advocacy, nakatakdang ilunsad naman ng Archdiocese of Manila ang “Huwag Kang Magnakaw ng Buhay Movement”.

Ayon kay Fr. Nonong Fajardo, head ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry, dito ipakikita kung gaano kahalaga at kabanal ang buhay na ang Diyos lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin at hindi ang kung sino para lamang sa pansariling interes.

Iginiit pa ng pari na hindi lamang isa ang kinukuhanan ng buhay sa bawat pagpatay kundi maging ang mga maiiwanan nitong pamilya.

Igigiit din sa paglulunsad ng adbokasiyang ito na ang lahat ng hakbang ng mga awtoridad laban sa mga sinsabing kriminal ay dapat dumaan sa ‘due process of law’.

“Itong Huwag Kang Magnakaw ng Buhay, sinasabi natin na ito ang buhay ay sagrado at ang Diyos lamang ang maaring kumuha nito, nakikita natin sa mga nakaraang buwan, ninanakaw po ang mga buhay na ito. Nangyari ang naging nature at creator ng buhay ng bawat isa sa atin ay ang mga pumapatay, at hindi nga ito sanction by law dahil walang due process, at nakita natin ang pangyayaring ito ay napakasakit sa bawat isa lalo na sa mga pamilya ng mga namatayan dahil bigla na lang darating sa bahay ang mga ito at papaslangin ang kanilang mga mahal sa buhay.” pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng pari, hinihintay na lamang nila si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nasa labas pa ng bansa para pangunahan ang paglulunsad kasabay na rin ng pagpapakalat nito sa mga paaralan at Simbahan na silang maghahatid ng balita sa taong-bayan.

“Ilulunsad pag dating ng cardinal, ipapasabi natin sa lahat ng mga paaralaan, wala pang tentative date at this point pero ang gagawin natin, papasabi din natin sa Simbahan ipapakita natin na tayo ay naniniwala sa sacredness ng buhay hindi ito maaring nakawin. Upgraded version ating ginagawa na ito mula sa Huwag Kang Magnakaw.” pahayag pa ni Fr. Fajardo.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, na bagamat sinuspinde na ang Oplan Tokhang umabot na sa 7,000 ang napatay sa operasyon ng Pulisya kontra iligal na droga na nakalipas na 7 buwan ng Administrasyong Duterte

presidentjoel.wordpress.com/2015/03/29/catholic-church-huwag-kang-magnakaw/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 46,641 total views

 46,641 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 66,326 total views

 66,326 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 104,269 total views

 104,269 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 122,222 total views

 122,222 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Radio Veritas, nagluluksa sa pagpanaw ni MG

 123 total views

 123 total views Nagluluksa ang Radio Veritas sa pagpanaw ni Mario Garcia, dating Vice President for Programming,at station manager na nagsilbing isa sa mga pangunahing haligi

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 8,822 total views

 8,822 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 89,330 total views

 89,330 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 115,144 total views

 115,144 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 149,310 total views

 149,310 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567