180 total views
Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang mga mananampalataya na ang bawat isa ay may bahagi sa pagkasira ng kalikasan.
Ito ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Leopoldo Tumulak , chairman ng CBCP-ECPPC.
Ayon sa Obispo, bilang mga katiwala ng Panginoon sa pangangalaga sa sanlibutan, ang bawat isa ay may pananagutan sa kasalukuyang pagbabago bago ng klima.
“Ang mga pangyayari ngayon sa kalikasan yung mga negative happenings, we are also responsible for that, so first and foremost, we should be disturb not only on what is happening now but we should also be disturb na tayo ay part sa anong nangyayari ngayon,” aing pahayag ni Bishop Tumulak sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon sa Obispo, ang kauna-unahang dapat gawin ng bawat mananampalataya ay manalangin at humingi ng tawad sa Panginoon para sa pagkakasala ng tao sa kalikasan.
“Now the best way is ito ang ginagawa sa simbahan, una to pray, may prayer tayong tinatawag na Oratio Imperata, we really have to pray, all of us will have to pray and then like the scavengers, mga street children, they can do a lot, our schools can do a lot, they can plant. The military the men and women in uniform, are doing a lot pero very quietly, they are up there planting trees, anywhere everywhere, and tayo we can plant anywhere sa bakod natin,” dagdag pa ng Obispo.
Sa kasalukuyan, isa sa matinding epekto ng Global warming na nararanasan sa bansa ang El Niño Phenomenon na batay sa pinaka huling ulat ng PAGASA ay magtatagal hanggang May 2016.
Ayon pa sa PAGASA, 68 sa 81 mga lalawigan sa buong bansa ang makararanas ng epekto ng El Niño ngayong Abril.
Sa ensiklikal na Laudato Si ng kanyang kabanalan Francisco, sinabi ng Santo Papa na dahil sa pagsasamantala ng tao sa likas na yaman ng mundo, tao rin ang nagiging biktima ng mga sakunang idinudulot ng pagkasira nito.