Isyu ng mamamayan at hindi pagsisiraan sa isat-isa, dapat talakayin ng mga kandidato sa mga forum – Fr. Alpasa

SHARE THE TRUTH

 152 total views

Pagbibigay-boses sa iba’t ibang sektor ng lipunan na mapakinggan ang kanilang hinaing at tunay na suliranin ng mga tumatakbong kandidato sa darating na halalan.

Ito ayon kay Rev. Fr. Xavier Alpasa, SJ – Executive Director ng Simbahang Lingkod ng Bayan ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng ANG KAILANGANG BOSES – isang Senatorial Forum kasama ang mga Marginalized at Vulnerable Sectors sa bansa.

Paliwanag ng Pari, sa halip na pagsagot sa mga mapanirang usapin ay mas kinakailangang tugunan ng mga kandidato ang mga sitwasyon at hinaing ng mga mamamayan na kanyang pagsisilbihan sa panunungkulan.

Giit ni Fr. Alpasa, napapanahon na upang maging malalim ang diskurso ng mga usapin at seryosohin ang talakayan kaugnay ng halalan sa bansa upang tunay na makapaghalal ng mga bagong lider na mamumuno sa ating bayan.

“Napansin natin na sa halalan na ito at mga nakaraan ding halalan kadalasan ang pag-uusap ay tungkol sa personalidad, tungkol sa mga kandidato, tungkol sa kanilang mga katangian, tungkol sa kanilang mga isyu pero bakit hindi pero hindi pinapakinggan ‘yung isyu ng taumbayan, hindi pinapakinggan ‘yung mas mga nangangailangan, ‘yung mga iniiwanan at hindi binibigyan ng boses kaya ang porma ng pagtatanghal, ang Senatorial Forum na ito ay tinaguriang Ang Kailangang Boses, dalawa nga ‘yung ibig sabihin namin sa Bosses eh, yung boses na tinig at yung tunay na mga Boss.. So ang kailangang mga boses po ay mga tao kaya inimbitahan namin ang iba’t ibang sektor para mapakingan natin sila kung ano ang pangarap at hinaing nila na siya namang dapat iparinig sa mga tatakbo ngayong halalan..” ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Alpasa, sa Radio Veritas.

Kaugnay nga nito, naging matagumpay ang isinagawang Senatorial Forum sa Ateneo De Manila University na pinangunahan ng Simbahang Lingkod ng Bayan, Ateneo Task Force 2016 at Task Force Election na kinabibilangan ng Radio Veritas kung saan nagsilbing pangunahing boses ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sector ng lipunan tulad ng mga Overseas Filipino Workers, mga sector ng manggagawa, Internally-Displaced Person, detainees, mga katutubo, mga may kapansanan o Person with Disabilities at maging mga magsasaka mula sa sector ng agrikultura.

Samantala, dinaluhan naman ng pitong kandidato para sa pagka-Senador ang naturang Forum, partikular na nina Atty. Lornan Kapunan, Former Senator Richard Gordon, Atty. Allan Montaño, Pasig Rep. Roman Romulo, Former Anakbayan Rep. Walden Bello, Valenzuela Rep. Win Gatchalian at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Batay sa Commission on Elections Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

Kaugnay nga nito, sa pinakahuling tala ng Comelec, tinatayang umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa susunod na eleksyon.

Sa tala ng National Youth Commission, 40% sa 52-milyong rehistradong botante sa kasalukuyan ay mga kabataan edad 18 hanggang 30 taong gulang bukod pa sa 1.4 milyong Overseas absentee voters na malaki ang maaring maging papel sa nakatakdang 2016 National at Local Elections.

Batay sa tagubilin pastoral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga botante na ang mga kandidatong tunay na may kakayahan ay kayang gampanan ang tungkulin sa pamumuno, maayos ang kalusugang pampisikal, may kakayahang pangkaisipan at matatag na damdaming kinakailangan upang magampanan ang mga tungkulin nakaatang kalakip ang katapatang maglingkod sa pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 26,952 total views

 26,952 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 39,030 total views

 39,030 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 58,442 total views

 58,442 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 69,562 total views

 69,562 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 73,488 total views

 73,488 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 867 total views

 867 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 1,701 total views

 1,701 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 7,517 total views

 7,517 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 8,542 total views

 8,542 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 5,159 total views

 5,159 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 5,760 total views

 5,760 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 7,936 total views

 7,936 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 10,311 total views

 10,311 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ika-49 founding anniversary, payak na ipinagdiwang ng CBCP-ECPPC

 17,374 total views

 17,374 total views Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishops Oscar Jaime Florencio ang pagdiriwang ng ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag sa prison ministry arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Payak na ginunita ng CBCP-ECPPC ang founding anniversary sa pamamagitan ng banal na misa sa pangunguna ni Bishop Florencio. Ayon sa Obispo,

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Katarungan para sa mga biktima ni Quiboloy, panawagan ng CMSP

 34,554 total views

 34,554 total views Nagkaisa ang mga Mission Partners ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pananawagan ng katarungan para sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. Suportado ng CMSP Mission Partners ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pambansang pagkilos para sa buhay, ikinatuwa ng SLP

 34,075 total views

 34,075 total views Nagpahayag ng kagalakan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa patuloy na pagsasagawa ng Walk for Life ng iba’t ibang mga institusyon ng Simbahan at diyosesis sa buong bansa. Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Francisco Xavier Padilla, nakatutuwang makita ang mariing

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nagpaabot ng pakikiisa sa mga Muslim

 21,870 total views

 21,870 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission for Interreligious Dialogue Chairman, Marawi Bishop Edwin de la Peña, kaisa ng mga Muslim ang mga Kristiyano’t Katoliko sa pagbibigay halaga sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CMSP, nababahala sa Cha-Cha

 22,032 total views

 22,032 total views Naninindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) laban sa isinusulong na pag-amyenda ng Saligang Batas ng Pilipinas. Sa isinapublikong pahayag ng CMSP na kapwa pinangangasiwaan bilang Co-Chairpersons nina Rev. Fr. Elias Ayuban, Jr., CMF at Sr. Cecilia Espenilla, OP ay inihayag ng oganisasyon ang pagkabahala sa tunay na intensyon ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Lent is a time to change, a time of change”- Archbishop Tirona

 26,634 total views

 26,634 total views Inaanyayahan ni Caceres Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ayon sa Arsobispo, ang panahon ng Kuwaresma ay isang pagkakataon upang makapagbago hindi lamang ng paraan ng pag-iisip kundi maging sa pagkilos upang higit na mapalapit sa Diyos. Paliwanag ni Archbishop Tirona, mahalaga ring

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa war on drugs, binigyang pagkilala

 45,632 total views

 45,632 total views Binigyang pagkilala ni Arnold Janssen Kalinga Foundation Program Paghilom field coordinator Randy Delos Santos ang mga ina, asawa, at anak ng mga biktima ng marahas na War on Drugs noong nakalipas na administrasyong Duterte. Kasabay ng paggunita sa Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso ay binigyan pagkilala ni Delos Santos ang mga kababaihan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top