Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Love the Philippines’ slogan, inilunsad ng DoT

SHARE THE TRUTH

 2,670 total views

Inilunsad ng Department of Tourism ang “Love the Philippines” campaign na nagtatampok nagtatampok sa mga pasyalan, produkto at serbisyo na iniaalok ng Pilipinas.

Ayon kay Tourism Secretary Maria Christina Frasco, ang ‘Love the Philippines Slogan’ ay paraan ding na ibahagi sa buong mundo ang hitik na kultura, kasaysayan at likas na yaman ng Pilipinas.

Nagpapasalamat naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DoT secretary Frasco sa pagsisikap na maipakilala ang bansa kasabay na rin ang paghihikayat sa mga Filipino Pilipino na maging ‘tourism ambassador’ ng Pilipinas na makakatulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa.

“Aside from the promotion of the country’s tourist destinations, the campaign that you have conceptualized aims to enhance the overall experience of every travel, included in that list of targets are to promote regional products, build more infrastructure for ease of travel, and champion green movements, among others.” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng pangulo na malaki ang maitutulong ng mga Filipino tulad ng mga migrante at Overseas Filipino Workers na maipakita ang kagandahan ng bansa sa mga banyaga upang mapapalago ang sektor ng turismo at makakatulong na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa tala sa unang anim na buwan ng 2023 ay umaabot na sa 2.64 million ang mga bumisita sa Pilipinas na mahihigatan pa ang naitala sa buong taon ng 2022 na 2.65 million.

Bukod sa karagdagang kita sa bansa, umaabot din sa 5.35-milyong manggagawa ang nabigyan ng trabaho sa sektor ng turismo.

“The story of the Filipino has yet to be fully told, and we shall tell that story by telling them the story of love, ‘Love the Philippines’.” bahagi naman ng mensahe ni Secretary Frasco sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng DoT.

Magugunitang umabot sa 1.38-trillion pesos ang kinita ng sektor ng turismo noong 2022 na tanda ng patuloy na pagbangon ng turismo mula sa pagkaluging idinulot ng pandemya.

Isinusulong naman ng simbahang Katolika sa Pilipinas ang kampanya sa pagsusulong ng Faith tourism upang ipakilala ang ang mayamang kasaysayan, kultura at pananampalataya ng mga Filipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 68,977 total views

 68,977 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 92,967 total views

 92,967 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 83,423 total views

 83,423 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 99,506 total views

 99,506 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 139,216 total views

 139,216 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top