Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lubog sa Kahirapan at sa Utang

SHARE THE TRUTH

 558 total views

Ibayong pagsisikap at pagtitiis ang hamon sa atin ng panahon ngayon, kapanalig. Kahit may pag-asa na tayong naaninag dahil sa pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID, malawakang kahirapan pa rin ang nakikita ng mga eksperto sa buhay ng maraming Filipino.

Ayon sa World Bank, mga 2.7 milyong Filipino ang maghihirap ngayon taon dahil sa pandemya. Dagdag pa ito sa record-breaking na pagbulusok ng ating gross domestic product (GDP) ngayong taon. Tinatantya ng ahensya na magko-contract o liliit pa ng mga 8.1 percent ang ating GDP. Ang pagliit ng ekonomiya ng bansa ay sinabayan pa ng napalaking utang ng pamahalaan. Umaabot na ito ng P10.3 milyon ngayong Disyembre.



Madilim man ang pangitain natin ngayon, kapanalig, huwag mawawalan ng pag-asa.

 

Pag nakaraos na ang bansa sa epidemya, dahan dahan ng makababawi ang bansa. Kailangan lamang, maisa-ayos ng pamahalaan ang mga prayoridad nito. Ibig sabihin, ang ekonomiya na muna ang unahin, at hindi ang pangangampanya at pag-stratehiya para sa susunod na eleksyon sa 2022.

 

Ang payo ng mga eksperto, unahin ng pamahalaan ang paglatag ng mga programa na maglilikha ng trabaho para sa maraming Filipino. Ayon nga sa isang pag-aaral ng International Labour Organization, tatlong mahalagang bagay ang kailangan magawa natin ngayon upang makabangon ang bansa at maging resilient ito sa kasalukuyang pandemya. Una, kailangan nating magbigay ng immediate o mabilisang suporta sa mga negosyong at-risk magsara at sa mga manggagawang at-risk na mawalan ng trabaho. Kailangan din natin tiyakin na mayroon tayong komprehensibong plano sa pagbabalik ng mga tao sa kanilang trabaho. Pangatlo, kailangan nating maglikha ng disente at produktibong trabaho upang makabawi na ang ating ekonomiya.

 

Hindi madali ang mga hakbang na ito, kaya nga’t marami ang umaasa na makaka-focus ang pamahalaan sa “urgent” na pangangailangan na ito. Ang pagkawaglit ng gawaing ito ay magsasadlak pa lalo sa bayan sa mas malalim na pagbagsak ng ekonomiya, at hila hila nito paibaba ang buhay ng napakaraming mga Filipino.

Kapanalig, dasal natin na sana’y maasahan natin ang tagumpay ng pamahalaan sa misyon nitong maipataas pa ulit ang antas ng ekonomiya. Ito nga rin ay hamon ni Pope Francis sa mga estado. Ayon sa kanyang akda na Evangelii Gadium: It is vital that government leaders and financial leaders take heed and broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education and healthcare. Tungkulin ng pamahalaan na mabigay ng disenteng trabaho para sa lahat. Dasal naman natin na aakapin ng administrasyong ito at uunahin ang napaka-halagang gawain na ito. Dahil kung hindi, malulubog tayo sa kahirapan at utang sa hinaharap.

 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 79,080 total views

 79,080 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 91,620 total views

 91,620 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 114,002 total views

 114,002 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 133,369 total views

 133,369 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 27,223 total views

 27,223 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 79,082 total views

 79,082 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 91,622 total views

 91,622 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 114,004 total views

 114,004 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 133,371 total views

 133,371 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 167,723 total views

 167,723 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 167,944 total views

 167,944 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 181,688 total views

 181,688 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 190,455 total views

 190,455 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 213,750 total views

 213,750 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top