Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 616 total views

Ang Mabuting Balita, 17 Oktubre 2023 – Lucas 11: 37-41

LUBOS NA AKSAYA NG PANAHON

Noong panahong iyon, pagkatapos magsalita ni Jesus, siya’y inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya’t pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag, nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Jesus nang hindi muna naghugas ng kamay. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng kasakiman at kasamaan. Mga hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob? Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.”

————

Bakit kaya inanyayahan ng Pariseo si Jesus na kumain sa bahay niya pagkatapos magsalita si Jesus ng ganito: “Ang iyong mata ang ilaw ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. Kaya’t mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo (Lucas 11: 34-36).” May tinamaan kaya si Jesus kaya’t ninais ng Pariseo na makahanap ng kamalian kay Jesus? Oo, nakahanap ng mali ang Pariseo noong hindi naghugas ng kamay si Jesus bago kumain, ngunit ginamit ito ni Jesus upang ituro sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kalooban. Upang ang isang lampara ay makapagbigay ng sapat na liwanag, kailangang lubos ang liwanag. Kung kalahati lang ang liwanag, magiging mas higit ang kadiliman. Paano tayo magiging liwanag sa iba kung iba tayo sa labas at iba rin sa loob? Hindi tayo makapagbibigay ng sapat na liwanag, kundi kalahating liwanag lamang.

Kung iisipin natin, ano ang saysay ng pagkukunwari na malinis tayo sa labas kung hindi tayo malinis sa loob? Anong mapapala natin dito? Nakakapagod ang magkunwari palagi sapagkat hindi natin kayang lokohin ang sarili natin, lalo na ang Diyos. Ito ay isang LUBOS NA AKSAYA NG PANAHON. Bakit hindi na lang tayo maging tunay na mabubuting tao? Ito ay magpapasaya at magbibigay ng kapayapaan sa atin.

Hinihiling namin Panginoon, tulungan mo kami maging mga Kristiyano sa salita at sa gawa!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 46,413 total views

 46,413 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 66,098 total views

 66,098 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 104,041 total views

 104,041 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 122,009 total views

 122,009 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 8,628 total views

 8,628 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CHRIST PRESENT and VISIBLE

 2,350 total views

 2,350 total views Gospel Reading for August 04, 2025 – Matthew 14: 13-21 CHRIST PRESENT and VISIBLE When Jesus heard of the death of John the

Read More »

RIGHT ATTITUDES

 3,002 total views

 3,002 total views Gospel Reading for August 3, 2025 – Luke 12: 13-21 RIGHT ATTITUDES Someone in the crowd said to Jesus, “Teacher, tell my brother

Read More »

INSTRUMENTS OF EVIL

 2,674 total views

 2,674 total views Gospel Reading for August 2, 2025 – Matthew 14: 1-12 INSTRUMENTS OF EVIL Herod the tetrarch heard of the reputation of Jesus and

Read More »

FAITH

 2,914 total views

 2,914 total views Gospel Reading for August 1, 2025 – Matthew 13: 54-58 FAITH Jesus came to his native place and taught the people in their

Read More »

ALWAYS CONSISTENT

 3,691 total views

 3,691 total views Gospel Reading for July 31, 2025 – Matthew 13: 47-53 ALWAYS CONSISTENT Jesus said to the disciples: “The Kingdom of heaven is like

Read More »

PRICELESS

 1,576 total views

 1,576 total views Gospel Reading for July 30, 2025 – Matthew 13: 44-46 PRICELESS Jesus said to his disciples: “The Kingdom of heaven is like a

Read More »

BELIEVE

 7,119 total views

 7,119 total views Gospel Reading for July 29, 2025 – John 11: 19-27 BELIEVE Many of the Jews had come to Martha and Mary to comfort

Read More »

TRUE WITNESSES

 5,178 total views

 5,178 total views Gospel Reading for July 28, 2025 – Matthew 13: 31-35 TRUE WITNESSES Jesus proposed a parable to the crowds. “The Kingdom of heaven

Read More »

OMNISCIENT

 5,520 total views

 5,520 total views Gospel Reading for July 27, 2025 – Luke 11: 1-13 OMNISCIENT Jesus was praying in a certain place, and when he had finished,

Read More »

IMPORTANT ROLE

 5,717 total views

 5,717 total views Gospel Reading for July 26, 2025 – Matthew 13: 24-30 IMPORTANT ROLE Memorial of Saints Joachim and Anne, Parents of the Blessed Virgin

Read More »
1234567