Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan ng Calaca Batangas, pinakikilos laban sa mga mapanirang negosyo

SHARE THE TRUTH

 414 total views

Hinimok ni Lipa Abp Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mamamayan ng Calaca na gumising at labanan ang ginagawang paninira sa kapaligiran ng kanilang pamayanan.

Ito ay matapos ang naganap na sunog mula sa isang Liquefied Petroleum Gas Facility of South Pacific Inc. sa Calaca, Batangas.

Ayon sa Arsobispo, panahon na para magkaisa ang mamamayan at ibalik ang nawalang ganda ng kanilang kalikasan dahil sa mapanirang mga negosyo.

“I am worried na parang hindi gising ang mga tao ng Calaca, pero we are aware of thinking na kasi yung mga damages na nangyayari dyan, ang mahalaga pigilan na yung marami pang gustong maglagay ng power plants.” Pahayag ni Abp Arguelles sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Arsobispo, ang mga nagaganap na trahedya sa kalikasan ay paraan din ng Panginoon upang ipakita sa tao ang idinulot ng mga pagkakasala nito sa kalikasan.

Sinabi din ni Abp Arguelles na mahalagang maging alisto at mapagmatyag ang mamamayan sa bawat kilos ng pinuno ng kanilang bayan.

“Nung marinig ko yung fire na yun, sabi ko siguro pinapakita ng Diyos na we need to pay attention to Calaca sapagkat sirang sira na yang Balayan Bay sirang sira na yung dagat din nyan. Ang huli kong balita, sinabi daw ng mayor na kapatid nung candidate na Vice Governor, ang sabi ay everything under control, hindi nila sinasabi na up to now may environmental destruction na nangyayari.”pahayag ni Archbishop Arguelles

Sa kasalukuyan, sumasailalim sa pagsusuri ng Department of Energy ang pasilidad na nagpoproseso ng 7,000 hanggang 10,000 metric tons ng LPG upang matukoy ang pinagmulan ng nangyaring sunog.

Nagdeklara naman ng State of Emergency ang lokal na pamahalaan ng Calaca dahil sa pinsalang idinulot ng sunog.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,025 total views

 15,025 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,985 total views

 28,985 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,137 total views

 46,137 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,403 total views

 96,403 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,323 total views

 112,323 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 164,396 total views

 164,396 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 108,242 total views

 108,242 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top