Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mental health mission, isasagawa ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora

SHARE THE TRUTH

 7,898 total views

Bilang tugon sa lumalalang krisis sa kalusugang pangkaisipan sa bansa, ilulunsad ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora ang kauna-unahang Mental Health Mission sa darating na August 30, 2025, sa San Nicolas de Tolentino Parish, Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay Rex Jardinero, Pangulo ng Cofradía, layunin ng programa na makapaghatid ng libreng mental health support sa mga mamamayang hindi kayang magpakonsulta sa mga health facilities.

“Bilang konkretong tugon sa hamon na tumulong sa mga nangangailangan ng suportang mental at emosyonal, isasagawa ng Cofradía ang Mental Health Mission,” ani Jardinero.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng paghahanda ng Cofradía para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Salud noong 1634, sa pamamagitan ng mga misyonerong Agustino.

Sa panahong ito, ninanais ng grupo na makilakbay kasama ang mga nahihirapan sa katahimikan, upang ipadama ang paglingap at kagalingang hatid ni Inay Salud.

“Many are silently struggling with emotional and mental burdens. This time, we walk with them — with compassion, with care, and with Inay Salud’s healing love,” saad pa ng grupo.

Ang mental health mission ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng San Nicolas de Tolentino Parish at ng MindBlends Psychological Services, na magbibigay ng konsultasyon sa mga lisensyadong mental health professionals.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Wilfredo II Francis Mina mula sa Guidance and Counseling Program ng University of the Philippines Manila, mahigit 11% ng populasyon ng Pilipinas — o humigit-kumulang 12.5 milyong Pilipino — ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng mental disorders, dulot ng kahirapan, kalamidad, at mga hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Samantala, kamakailan lamang ay nabahala ang Philippine National Police (PNP) sa mahigit 2,000 kaso ng pagpapatiwakal na naitala sa unang anim na buwan ng 2025.

Dahil dito, nananawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng mas malalim na pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang tugunan ang lumalalang krisis sa mental health “nang may malasakit at buong puso.”

Para sa mga nagnanais lumahok sa libreng mental health consultation, maaaring magpatala sa pamamagitan ng link na ito: https://forms.gle/7ovdTL2o9bMYB3hN7 o kaya ay i-scan ang QR code para sa one-on-one mental health support sessions na isasagawa sa gabay ng mga lisensyadong health professionals.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 45,810 total views

 45,810 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 65,495 total views

 65,495 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 103,438 total views

 103,438 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 121,411 total views

 121,411 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 8,180 total views

 8,180 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top