Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mindanao, labis ng apektado ng El Niño na tatagal pa hanggang Mayo – Pagasa

SHARE THE TRUTH

 517 total views

Tatagal pa ng hanggang buwan ng Mayo ang nararanasang El Niño sa bansa na nasimula noong kalagitnaan ng 2015.

Ayon kay Anthony Lucero, officer in charge ng Climate Monitoring and Prediction Center ng Pagasa, labis na naapektuhan ngayon ng sobrang tagtuyot ang mga lalawigan sa Mindanao.

“Tuloy tuloy ang epekto ng El Nino sa buong Pilipinas, pero ang impact niyan matinding tagtuyot lalo na sa Mindanao, dun sa kanlurang bahagi ng Mindanao, inaasahan natin na magpapatuloy pa yan,nagdadala ng kaulapan at nagbibigay ng ulan ay ang hangin na nanggagaling sa silangang bahagi o easterlies, kapag humampas sa Mindanao ito ay nagbibigay ng ulan sa Caraga, kaya pagdating ng hangin sa kanlurang bahagi wala na yung rain dshadow, yung mga weather system na nagdadala ng ulan sa Mindanao ay lumayo na sa kanila kaya sila ang masyasong naapektuhan, inaasahan natin na magpapatuloy pa yan hanggang Mayo, estimate yan, kaya lang dahil may climate change maraming sorpresa, tanging ang Panginoon lang ang nakakalaam niyan, malalaman naman kung may La Nina pagtapos pa ng buwan ng Hunyo o Hulyo.” Pahayag ni Lucero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ni Lucero na kaakibat nito ang hirap ng ekonomiya doon dahil mga taniman at mga magsasaka ang labis na apektado

“Marami sa atin umaasa sa kikitain nila sa kanilang lupain, sa second cropping ang affected, if nagkaroon ng failure sa unang cropping season uutang na sila, malaking epekto ‘yan dahil ‘yung nga magsasaka pinapaikot lang ang kanilang puhunan if nagkaroon ng failure sa first cropping season eh mangungutang na sila sa second cropping season.” Pahayag ni Lucero.

Kaugnay nito, nanawagan si Lucero sa mga taga Mindanao lalo na yung labis na naapektuhan ng El Niño na makipag-ugnayan sa kanilang lokal government units dahil dito idinadaan ng national government ang mga tulong.

“Tinatawagan ng panisn ang lahat, ang El Niño efftect till sa susunod na buwan, pinaalalahaann ang publiko lalo na sa Mindanao na magtipid ng tubid, makipag-ugnayan sa LGUs dahil anumang ayuda na ibabahagi ng pamahalaan ay diyan padadaanin.” Pahayag pa ni Lucero.

Nasa 32 lalawigan sa Mindanao ngayon ang apektado ng El Niño.

Sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization noong Disyembre ng nakaraang taon, maaaring umabot sa 12milyong Filipino na umaasa sa agrikultura ang lubhang maapektuhan ng tagtuyot.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si, na ang ating relasyon sa kalikasan ay hindi maaaring ihiwalay sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos, dahil mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagkukunwari kung babalewalain ang kapaligiran. (Rhoda Quinto)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,426 total views

 42,426 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,907 total views

 79,907 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,902 total views

 111,902 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,643 total views

 156,643 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,589 total views

 179,589 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,861 total views

 6,861 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,474 total views

 17,474 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 64,072 total views

 64,072 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 170,339 total views

 170,339 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 196,153 total views

 196,153 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 211,972 total views

 211,972 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top