280 total views
Pinarangalan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant (CBCP – ECMI) ang mga natatanging anak ng mga overseas Filipino workers sa isinagawa nitong “8th Gawad Anak OFW.”
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – ECMI, na layunin ng kanilang aktibidad na makita ng mga OFW at maramdaman ng mga ito na hindi nasasayang ang perang kanilang ipinapadala sa kanilang mga anak matustusan lamang ang kanilang pag – aaral.
“Ito ay para maipakilala natin sa mga bata ang kahalagahan ng pag – aaral sa gianagawa ng kanilang mga magulang. Ang kanilang mga magulang ay nangibang bansa upang magtrabaho tiisin ang pangungulila, mapawalay sa kanila upang sa gayon sila ay matustusan sa pag – aaral. At sa kanilang pag – aaral ay maging mabuti ang kanilang kinabukasan. It is to recognize the services and the sacrifices of the parents and also to inspire the children to study more and to make their parents proud of their achievement,” bahagi ng pahayag nio Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Sa naturang programa ng CBCP–ECMI na national search for Ten Outsanding Sons and Daughters of OFW Student Achievers Awards o TOSDOSA na kung saan 10 mag–aaral sa elementary ang binigyang parangal. Gayundin, sa 20 participants naman sa High School ay 10 sa mga ito ang napili.
Magugunita na batay sa inilabas na datos ng noong 2001 ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot sa siyam na milyon ang mga anak ng OFWs na menor de edad. Ito’y kumakatawan sa 27 porsyento ng populasyon ng mga bata sa taong iyon.