Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, dismayado sa lumalawak na political dynasty sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 380 total views

Dismayado si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa patuloy na pag-iral ng “political dynasty” sa bansa.

Ikinalulungkot ni Bishop Ongtioco na kontrolado at hawak na ng ilang angkan ang mga posisyon sa iba’t-ibang lugar ng bansa.

Nilinaw ng Obispo na ang kapangyarihan na hatid ng anumang posisyon o katungkulan sa pamahalaan ay nararapat na may kaakibat na katapatan at buong pusong paglilingkod sa mga nasasakupan at hindi angkinin lamang ng ilang angkan.

“Ang ibig sabihin ng authority kapangyarihan katulad ng ipinakita ni Hesus maglingkod, eh sa nangyayari ngayon sila ang pinaglilingkuran, sila ang amo, sila ang Panginoon. Samantalang ang kapangyarihan ang ibig sabihin maglingkod ibigay mo ang sarili mo, ibuhos mo kakayahan mo, talino mo hindi para sambahin ka, hindi para mag-ipon para sa iyong sarili, para sa susunod na henerasyon, para sa mga apo mo, para sa mga anak mo sunod-sunod kaya napakalungkot yung political dynasty na sinasabi parang akala mo wala ng ibang may talino, may kakayahang mamuno kung hindi ‘yung magkakamag-anak..” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa datos ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) aabot sa 178 ang bilang ng mga ‘dominant political dynasties’ o kilalang angkan sa larangan ng politika sa bansa, kung saan sa 94 na porsyento sa 80-probinsya sa Pilipinas ay mayroong political dynasty.

Kaugnay nito, batay sa tala 75-porsyento sa mga kasalukuyang mambabatas sa Kongreso ang nagmula sa mga kilalang angkan sa Politika samantalang tanging tatlo lamang sa mga kasalukuyang Senador ang hindi kabilang sa Dinastiya.
Sa kasalukuyan, mayroon nang dalawang panukalang batas sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng political dynasty na Senate Bill No 2649 – An Act to Prohibit the Establishment of Political Dynasties at House Bill No 3413 – An Act Prohibiting the Establishment of Political Dynasties na pinangunahan ni Senator Miriam Defensor Santiago at former Congressman Teddy Casiño. (Reyn Letran)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 23,819 total views

 23,819 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 47,604 total views

 47,604 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 59,839 total views

 59,839 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,479 total views

 245,479 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,348 total views

 275,348 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 15,882 total views

 15,882 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 49,003 total views

 49,003 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 26,576 total views

 26,576 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 64,998 total views

 64,998 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 48,921 total views

 48,921 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 48,901 total views

 48,901 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 48,901 total views

 48,901 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top