234 total views
Nanawagan ang Prelatura ng Isabela De Basilan sa Commission on Elections na ire-set ang petsa ng mga seminar ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) at Board of Canvassers (BOCs) mula sa Holy Week.
Ito’y matapos mariing tinututulan ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang atas ng Comelec sa mga guro na sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) partikular ng Basilan na magsagawa ng kanilang pagsasanay sa mismong Semana Santa.
Ayon sa obispo, marami ring mga katolikong mga guro sa ARMM na kinakailangan magnilay sa Holy Week lalo na at ito ay mga banal na araw.
“Nag-utos ang Comelec na magkaroon ng traning sa loob ng Holy week yung mga teachers sa whole province ng Basilan, mag traning sila (BEIs at BOCs), mag training sila maski sa Holy Week, kaya nagprotesta ako, irespeto naman sana natin ang Holy Week, importante yun sa mga katolko. Totoo andito kami sa mga lugar ng mga Muslim pero may mga katoliko din dito…bigyan natin ng kahalagahan ang mga araw na ito dahil Holy days for the catholics.” Pahayag ni bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi pa ng obispo, kung ang mga Muslim nirerespeto natin ang kanilang Ramadan dapat tayong mga katoliko ay irepesto natin ang ating Holy Week.
“Tayo ay nagrespeto sa holiday of Ramadan, dapat ‘yung holidays natin irespoto din natin at magkaroon tayo ng observation of silence.
Kaugnay nito, ayon kay Bishop Jumoad, nawa’y sa pamamagitan ng Radyo Veritas, maiparating sa kinauukulan ang kanyang protesta sa atas na ito ng Comelec.
“Dati walang ganitong training Opo, dito sa Basila, konti lang mga katoliko pero ang mga tao nag observe din ng silence, may mga ritwal/rights tayo katulad din sa Manila at iba pa ng malalaking siyudad, dito sa Basilan nag oobserve din, please tell the chairman to reset tha days so that our Catholic teachers can also observe the holy weeks. Pag nagseminar sila ng holy week di sila maka observe ng mga ritwal natin kasi nasa seminar sila, obligado sila dun.
Samantala, ayon sa obispo, nagtext na siya kay Comelec chairman Andres Bautista hinggil sa hiling niya ng reset ng petsa ng training at ang tugon lamang nito “ok we will try” kung saan nais ni Bishop Jumoad na huwag subukan kundi kinakailangang gawin dahil ito ay napakahalagang mga araw sa mga katoliko.
Ayon sa obispo, noong 2013, sa 400,000 kabuuang populasyon ng Basilan, 27 percent o 100,000 dito mga katoliko.