206 total views
Kinundena ng Obispo ng Malaybalay Bukidnon ang patuloy na kaguluhan sa Lanao del Norte na ikinamatay na ng tatlong sundalo at ikinasugat ng 11 pa.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, ang tunay na kapayapaan ay hindi makukuha sa pamamagitan ng pananakot,pamimilit at sagupaan.
Hinimok ng Obispo ang magkabilang panig na bigyan ng pagkakataon ang pagdadayologo at pagtitiyaga para nagpapatuloy ang proseso usapang pangkapayapaan.
“True Peace cannot be achieve by force or fierce fighting/violence. Let’s give peace a chance always through dialogue and patient, ongoing peace process.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Ikinalulungkot ng Obispo unang idinahilan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na mga break away group ang may kagagawan ng mga pagpapasabog sa Lanao Del Norte dahil sa hindi pa naisabatas ang Bangsamoro Basic Law o BBL na papallit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Nabatid na umaabot na sa 42-miyembro ng MILF breakaway group ang nasawi sa sagupaan habang limang libong pamilya naman ang naapektuhan at nagsilikas dahil sa kaguluhan.
Sa datos ng internally diplaced person monitoring center noong 2015… 119, 000 na mga IDP ang apektado ng kaguluhan bukod pa ang 140,000 IDPs na sinalanta ng mga bagyo at iba pang natural calamities sa Mindanao.