207 total views
Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs (CBCP – PCPA) ang mga manggagawa sa Film and Television industry na pahalagahan ang kanilang kalusugan lalo na sa nakamamatay na oras ng kanilang pagta-trabaho.
Ayon kay Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles mainam na makapagbigay oras at panahon ang mga ito na makapagpahinga sa pakikipag – ugnayan sa Diyos imbes na gugulin ang oras sa mga aliwan at ipinagbabawal na gamot.
“Ang advise ko lang sa kanila ay magdasal sila, they should pray more. Magkaroon ng time to rest. Huwag masyadong overdo, ang overdoing ay hindi lamang sapagkat sila ay maraming trabaho. At dahil sa marami silang trabaho ay naghahanap sila ng liwaliw. Ang mga makakatulong sa kanila ay they rest in God, magpahinga sila, magdasal sila maggugol ng panahon for reflection. That helps a lot sapagkat ang cure ay galing kay God ay hindi galing sa droga,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.
Panawagan rin nito sa mga big TV network na pahalagahan at bigyan ng prayoridad ang spiritual life ng kanilang mga empleyado at hindi lamang inaabuso ang kanilang galing at talento.
“Katulad rin ng iba na gustong kumita na kung minsan ay umiinom ng chemicals to keep themselves awake. At nakit ba gustong – gusto ng pera kasi kailangan nila. Pagkatapos wala silang counseling wala silang spiritual life,” giit pa ni
Magugunita na nanawagan si Quark Henares, isang sikat na director, sa mga malalaking kumpanya sa telebisyon ng pagababago sa oras ng kanilang trabaho. Ito ay matapos na 3 sikat na director na ang pumanaw dahil sa cardiac arrest.
Sa pagitan ng 1995 hanggang taong 2005, 78% ng labor force sa bansa ay mga contractual workers at kabilang dito ang mga manggawa sa mamalaing TV networks.
Nauna na ring binanggit ni St. John Paul II sa kanyang encyclical letter na Laborem Exercens na kilalanin ang dignidad at karapatan ng mga manggagawa sa oras ng kanilang paggawa.