Pagpapatatag ng Ethical Core, kailangan ng mga botante at mga kandidato

 43 total views

Sinang-ayunan ni dating Anak-bayan Partylist Represetative at Senatoriable Walden Bello ang pagpapatatag ng Ethical Core ng bawat mamamayan partikular na ng mga magsisilbing pinuno ng bayan upang tunay na makapaglingkod

Pagbabahagi ni Bello, ang pagkakaroon ng isang maayos at matatag na Ethical Core ng bawat isa ang tugon upang patuloy na magkaroon ng pagkakasundo at unawaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng relihiyon o pananampalataya sa bansa.

“More than a program, it’s the character of a person that really counts and our educational system, dito sa atin whether secular or sa Catholic or Protestant napaka-importante yung character training, yung respecting of the beliefs dapat madevelop yung solid ethical core ng mga tao and I think that’s what we need in politicians at this point na magkaroon sila ng solid ethical core so that we may have disagreements on certain issues but we are willing to put our lives on the line for things we believe in..” Ang bahagi ng pahayag ni Bello sa Radio Veritas.
Paliwanag pa ni Bello, mahalaga ang paggalang sa pananaw at paniniwala ng isa’t isa na susi upang magkaroon ng pagkakaisa sa lipunan.

Sa isinagawang Senatorial Forum sa Ateneo de Manila University kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang sector sa lipunan at mga kandidato sa pagka-senador ay naiwan ang hamon sa mga kandidato na bigyang pansin at pantay na pagpapahalaga ang mga marginalized at vulnerable sectors sa bansa.

Sa Commission on Elections Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

Sa pastoral statement ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong 2010 kaugnay sa halalan, hinihikayat nito ang mamamayan at maging ang mga kandidato sa iba’t ibang posisyon na ipasok ang spirituality at morality sa electoral process.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox