Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Aquino, hindi tumutupad sa pangako – Archbishop Arguelles

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Itinuturing ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Chaiirman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na kabalintunaan ang ginawa ng pangulong Benigno Aquino III na pagsuporta sa marami pang coal-fired power plants at mining operations sa bansa.

Ayon kay Archbishop Arguelles, ipinangako ng Pangulo ng Pilipinas sa Intended nationally Determined Contribution sa United Nations Framework Convention on Climate Change na pabababain nito ng 70 porsyento ang carbon emission sa bansa simula 2015 hanggang 2030.

“Salamat at yung Presidente nagpunta sa Paris pumirma sya na kasali ang Philippines sa pagsupress ng further deterioration of the environment , pero pagdating nya dito, unan nag attend sya ng opening ng Coal Fired Power Plant sa Davao, then marami syang pinirmahan na mga mining developments, at saka research at saka yung mga Coal Fired Power Plant , that is a contradiction.” Pahayag ni Abp. Arguelles sa Radyo Veritas.

Dahil dito hinikayat ng Arsobispo ang bawat mamamayan at mga lokal na pamahalaan na manindigan at protektahan ang iba pang lalawigan na pinagiinteresan ng mayayamang kumpanya.

Paalala ni Abp. Arguelles, hindi dapat magpasilaw sa pera ang mga lokal na pinuno ng mga lalawigan dahil ang pagiging gahaman at makasarili ang magdudulot ng pagkawasak sa buong komunidad.

Sa kasalukuyan patuloy ang operasyon ng Calaca Power Station na may 600 Megawatt Coal Fired Power Plant sa Brgy San Rafael, Calaca, Batangas.

Ang naturang pasilidad ay pagaari ng DMCI Holdings Inc. na una nang inireklamo ng mga mamamayan ng Palawan dahil sa pagtatayo rin nito ng 15Megawatt Coal Fired Power Plant sa lalawigan.

Sa kasalukuyan may 17 Coal Fired Power Plants sa Pilipinas, habang nakaamba pang magtayo ng karagdagang 29 na pasilidad hanggang sa taong 2020.

Una nang kinondena ng kanyang Kabanalan Francisco ang maruming pinagkukunan ng mga enerhiya.

Sa Ensiklikal na Laudato Si, pinuna ni Pope Francis ang hindi makatarungang gawain ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First Wolrd Countries.

Aniya pagkatapos ng kanilang mga aktibidad, sa kanilang paglisan ay nag iiwan sila ng malalaking pasanin sa mga tao at sa kalikasan tulad ng kawalan ng trabaho, pagkaubos ng likas na pagkukunan, pagkakalbo ng kagubatan, pagkalugi ng agrikultura, uka-ukang burol, at maruruming ilog.(Leahna Villajos)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disiplina sa Kongreso

 424 total views

 424 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 77,581 total views

 77,581 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 98,486 total views

 98,486 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Nasasayang na oras

 101,650 total views

 101,650 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 119,963 total views

 119,963 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 271,222 total views

 271,222 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 215,068 total views

 215,068 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top