274 total views
Pagkakataon para kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang panahon ng Cuaresma upang talikdan ang kamalian at pagsisihan ang ating mga kasalanan.
Inihayag ng Obispo na panahon din ito para makapag-patawad at makahingi ng tawad sa Diyos sa ating mga pagkukulang.
“Next week start na natin ang Holy Week maganda na kung saan we will commemorate the passion, death and resurrection of our Lord Jesus Christ. Ngayon ay gawin natin na ito ay pagkakataon that we can be contrite, we can be sorrowful. Pagsisihan, talikdan and it will be the start of our change of heart and change of life na talagang babaguhin, aayusin ang ating buhay. At ito na rin ang ating reparation na an gating pagkukulang ay ating bigyan ng pagkukunan. We have to restore our broken relationships and we have to make reparation dun sa ating nasira na ating hindi nagawa. Ibalik natin ang ating pagkukulang at yung ating hindi nagawang o nakuha na hindi mabuti, hindi tama, hindi totoo ay dapat nating isauli. It is also a time for us to be sorry for our sins at makapag-patawad rin,” pagninilay ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Naging bahagi naman si Bishop Santos sa katatapos na 3rd Philippine Apostolic Congress on Mercy na ginawa sa Diocese of Bacolod na dinaluhan ng nasa 5 libong participants mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.
Layunin ng naturang kongreso na pagnilayan at panibaguhin ang awa ng Diyos at pamilya ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Hubilehiyo ng Awa ng Diyos.(Romeo Ojero II)