Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Presidential debate, mababaw at mga motherhood statements lamang

SHARE THE TRUTH

 707 total views

Itinuturing ng isang Obispo na mababaw ang kauna-unahang “Presidential debate” na isinagawa sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, mababaw ang sagot ng mga Presidentiables sa panlipunang usapin at walang inilahad na konkretong programa para matugunan ang problema ng bansa.

Inaasahan ni Bishop Pabillo na hindi lamang sana puro paninira sa kapwa kandidato at mga motherhood statements ang debate kungdi mas malalim na pagtalakay na pakikinabangan ng taumbayan na kanilang gagamiting basehan sa pagpili at paghalal ng lider.

Sinabi ng Obispo na dapat maglahad ang mga presidentiables ng mga konkretong programa na tutugon sa mga pangunahing problema ng bansa na kinakaharap ng sambayanang Filipino.

“Simula pa lang ‘yung presidential debates, pero lumalabas sa presidential debates na mababaw pa ‘yung debate nila, maraming motherhood statements, maraming paninira sa kapwa, at sa kapwa-kandidato nila at hindi naman talaga nagbigay ng mga datos, ng mga talagang mga programa o konkretong mga programa paano tugunan ang mga problema. Sana naman ‘yung mga susunod na mga debates mas maging malalim na ang mga sagot na talagang napag-aralan at hindi lamang yung intention na wala namang makikinabang. Hindi makakatulong sa mga botante kung mababaw ang mga sagot nil,” .pahayag ni Bishop Pabillo

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat problema sa agrikultura, katiwalian, political dynasty, kahirapan, land reform, suweldo ng mga manggagawa at katiwalian sa pork barrel ang mga konkretong usapin na dapat tutukan ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Isa sa pangunahing problema ng bansa ang laganap na kahirapan kung saan 50-porsiyento ng populasyon ay mahirap, laganap na katiwalian, kawalang oportunidad sa trabaho kung saan 10-milyong kabataan ang underemployed sa nakalipas na taong 2015 base sa survey ng SWS.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 60,251 total views

 60,251 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 82,027 total views

 82,027 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 105,928 total views

 105,928 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 213,427 total views

 213,427 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 237,110 total views

 237,110 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 50,817 total views

 50,817 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 28,390 total views

 28,390 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 66,812 total views

 66,812 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 50,735 total views

 50,735 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 50,715 total views

 50,715 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 50,715 total views

 50,715 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top