1,001 total views
#DakilangAntiponangO | 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎 • 𝐎 𝐂𝐋𝐀𝐕𝐈𝐒 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David;
walang makakapagsara ng anumang buksan niya,
at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
Ikaw ang magbubukas sa mga mata ng mga bulag
at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman. (Isaias 22:22; 42:7)
Tayo’y manalangin.
O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, linisin Mo po ang aming budhi sa pamamagitan ng araw-araw na pagdalaw, upang ang Iyong Anak na si Hesukristo sa kanyang pagdating, ay maka-tagpo sa aming kalooban ng lugar na inihanda para sa Kanya; Siya na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.