2,262 total views
#AFeastADayΒ | ππ§ππ«π¨ π β’ πππππππππ ππ ππππππππππ ππ πππππππ πππππ πππππ ππππππππ
π£ππ‘ππππ‘πππ‘ π¦π π ππππ π‘π π£π’π’π‘π πππ¦π¨π¦ π‘ππππ₯ππ‘π’ π£ππ₯π π¦π π£ππ‘πππ‘ππππππ‘πππ‘
HESUS NAZARENO, sa sinag ng liwanag mula sa Iyong ulo, ang Iyong Pagkabuhay ay sumilay sa aming pagdarasal. Kaawaan Mo kami at nawaβy pagbigyan ang aming kahilingan, sapagkat kamiβy lubos na nagtitiwala na Iyong ipagkakaloob ang aming mga ipinakikiusap na mga pangangailangan ng aming katawan at kaluluwa, lalung-lalo na ang biyaya na aming idinadalangin.
(Bigkasin ng tahimik ang iyong kahilingan)
Kami ay lubos na nagtitiwala na Inyong ipagkakaloob ang aming mga kahilingan, sapagkat Iyong ipinahayag na, βHUMINGI KAMI AT IYONG IPAGKAKALOOB.β Sa laki ng aming pananalig, nagpapasalamat na kami ngayon pa lamang, sapagkat ang nananalig sa Iyo ay hindi nabibigo, kaya nga Iyong ninanais na kami ay magtiwala nang lubos sa Iyong paglingap, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO, kaawaan Mo kami!