1,383 total views
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Ang buong kabuhayan ni Kristo ay pawang krus at pagtitiis at ikaw nama’y walang hinahanap kundi pagpapaginhawa ay kaligayahan sa buhay.
Namamali ka, tunay, namamali ka, kung ang hinahanap mo’y kakaibang bagay sa pagtitiis ng hirap; sapagkat ang lahat ng buhay na itong may kamatayan ay tigib ng mga kahirapan, at sa lahat ng dako ay naroon ang Krus. Kung saan naroon ang Krus, kung saan naroon ang pagtitiis ay naroon ang krus at kung walang krus ay walang kaligayahang makakamtan sa kabilang buhay. Kaya kung iniibig mo si Hesus, pasanin mo ang Krus at sumunod ka sa Kanya. At habang ang sinuma’y higit na nagkakamit ng kapakinabangan sa buhay ay lalong mabibigat na krus ang madalas na masusumpungan; sapagkat ang hirap sa kanyang pagkakatapon sa malayo ay lalong magugulo nang dahil sa pag-ibig.
Datapwat sa gayong nagdurusang kalagayan ay ‘di mawala ng ginhawa, ang kaaliwan, sapagkat nadadama ang dakilang bungang lumalaki sa pagpapasan ng Krus. (Imitacion de Cristo, cap. XII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]