1,763 total views
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Pagsapit mo rito, nawa’y ang pagtangis ay maging matamis at masarap sa iyo dahil sa pag-ibig kay Kristo; alalahanin mong ikaw ay mapalad, sapagkat nasumpungan mo ang parusa sa lupa.
Kapag ipinalagay mong malabis ang pagdurusa at ninasa mong iwasan, isipin mong ang gayo’y hindi makabubuti sa iyo at saan ka man dumako ay susundan ka nang pagdurusa.
Kung natatalaga kang gumawa ng marapat mong gawin ay kinakailangan mong mabatid: ang magtiis at mamatay pagkatapos ay maging mapalad ka at masusumpungan mo ang kapayapaan.
At kahima’t ikaw ay madala hanggang sa pangatlong langit tulad ni San Pablo ay hindi dahil dito’y makatitiyak kang hindi magtitiis ng kasawiang palad.
Ako, ang sinabi ni Hesus, ay ituturo ko ang mga bagay na nararapat tiisin alang-alang sa aking pangalan. (Act. IX,6)
Kung gayon, ang pagdurusa ay nasa iyo, kung nasa mong ibigin si Hesus at maglingkod sa kanyang lagi na. (Imitacion de Cristo, cap. XII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]