1,971 total views
#Nazareno2023ย | ๐๐ค๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ โข ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐ฟ๐ผ. Masdan mo’t ang lahat ay nauukol sa Krus at ang lahat ay mamamatay at walang ibang landas sa buhay at sa tunay na kapayapaan kundi ang landas ng Banal na Krus at patuloy na pagpapakasakit.
Saan ka man tumungo, anuman ang ibig mong hanapin ay walang landas na lalong dakila, lalong wagas, kundi ang landas ng Banal na Krus.
Gawin mo at iayos ang lahat ng bagay nang ayon sa iyong nais at palagay at wala kang matagpuan kundi pagtitiis, o sa unti-unti o sa biglaan; at sa wakas at matatagpuan mo lagi na ang Krus.
Kung gayon o magdaramdam ka ng sakit ng katawan o magdaranas ka ng hirap ng kalooban… (Imitacion de Cristo, cap. XII)
Ibigin nati’t ipagdiwang, si Hesus Nazarenong mahal!
[Hango sa Pagsisiyam sa Mahal na Poong Hesus Nazareno, Pintakasi sa Kiyapo, 1984. Larawan mula sa Quiapo Church Social Communications Ministry.]