Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Agosto 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,370 total views

Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

1 Tesalonica 2, 1-8
Salmo 138, 1-3. 4-6

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Mateo 23, 23-26

Tuesday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 2, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Kayo na rin, mga kapatid, ang nakababatid na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. Alam ninyong hinamak kami’t inalipusta sa Filipos. Gayunma’y pinalakas ng Diyos ang aming loob upang ipahayag sa inyo ang Mabuting Balita sa kabila ng maraming hadlang. Ang pangangaral nami’y hindi udyok ng kamalian, ng kahalayan o ng hangad na manlinlang. Minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Mabuting Balita kaya nangangaral kami upang bigyang kasiyahan, hindi ang tao, kundi ang Diyos na nakasisiyasat ng ating puso. Alam ng Diyos at alam din ninyo na sa aming pangangaral ay hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri o ng mga salitang nagkukubli ng masakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri o ng mga salitang nagkukubli ng masakim na hangarin. Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman, bagamat may katwiran kaming maghintay niyon bilang mga apostol ni Kristo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati ang aming buhay ay ihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 4-6

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malaya, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y
alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras,
ang likas ong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat.
Nagtataka ang sarili’t alam mo ang aking buhay,
di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 23-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Natitipon bilang Bayan ng Diyos, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Ama at manalig tayo na kanyang pagbibigyan ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo ang taos puso naming pananalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging gising sa kanyang tungkulin na ipalaganap ang katarungan para sa lahat sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging tapat sa kanilang pagbibigay ng serbisyo at pagsasakatuparan ng mga programa para sa mga mahihirap at napapabayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga empleyado at mga manggagawa nawa’y maging magalang at magpakatotoo sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumisan na sa buhay na ito nawa’y magkaroon ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mga banal sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang umunlad kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming maglingkod sa iyo nang may kagandahang-loob at katapatan sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 71,175 total views

 71,175 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 83,715 total views

 83,715 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 106,097 total views

 106,097 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 125,664 total views

 125,664 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 45,420 total views

 45,420 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 45,651 total views

 45,651 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 46,161 total views

 46,161 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 33,666 total views

 33,666 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 33,775 total views

 33,775 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top