Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas, pinarangalan sa SLB Kaisa ng Bayan awards

SHARE THE TRUTH

 425 total views

Pinarangalan ng Simbahang Lingkod ng Bayan o SLB isang Jesuit socio-political group sa kauna-unahan nitong Kaisa ng Bayan Awards ang Radiyo Veritas 846 bilang pagkilala sa malaking ambag ng himpilan sa pagkamit ng kapayaan at demokrasya sa bansa noong EDSA People Power Revolution.

Ang Radio Veritas ay isa lamang sa 30 indibidwal, samahan, programa at kilalang lugar na ginawaran ng pagkilala kasabay ng pagdiriwang ng Simbahang Lingkod ng Bayan ng ika-30 taong Anibersaryo ng pagkakatatag sa noo’y isang apostolado na tinaguriang NAMFREL Marines kasabay ng EDSA EDSA People Power Revolution.

Kaugnay nito, tiniyak ni Rev. Fr. Manuel ‘Bong’ Bongayan – Vice President ng Radio Veritas 846 na patuloy na gagampanan ng himpilan ang pagiging daluyan ng mabuting salita ng Diyos kasabay ng paninindigan sa pagsusulong ng iba’t ibang adbokasiya ng Simbahan tulad ng pagtulong sa mga mahihirap, biktima ng mga kalamidad at maging pagtiyak sa maayos na pamamahala sa bansa.

Paliwanag ng Pari, ang isang tunay na Katoliko ay nararapat na maging mabuting mamamayan na nagsisilbi ng tapat at taus-puso sa kapwa kasabay ng pagtiyak sa pangangalaga ng kapaligiran.

“Ang advocacy ng Radio Veritas ay advocacy especially for the poor, evangelization and even for disaster so lahat ng mga prinsipyo na pinaninindigan ng Simbahang Lingkod ng Bayan ay yan din ang advocacies ng Radio Veritas, so sa ganito pinagpapatuloy ng Radio Veritas para malaman ng mga tao na ang Simbahang Katolika ay hindi pinababayaan lalong lalo na ang mga maralita at ang mga nangangailangan ng tulong especially sa mga disaster at paghahanda rin sa environment na gumanda ang ating kalikasan upang sila ay maging mga bahagi na good citizens. Kapag tayo ay tunay na mga Katolikong Kristyano, tayo din po ay nagiging tapat na mga citizens ng Pilipinas…” pahayag Father Bongayan

Ang SLB Kaisa ng Bayan Awards ay bahagi ng 30th anniversary year-long celebration na may temang TINDIG: Tatlong Dekada ng Paninindigan, na kumakatawan sa patuloy na pagsusulong sa karapatang pantao ng bawat Pilipino mula sa iba’t ibang uri ng panunupil sa lipunan.

Kaugnay nga nito batay sa tala, sa ilalim ng Martial Law, tinatayang aabot sa 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pagsang-ayon sa mga patakaran.

Habang tinatayang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Martial Law at Administrasyong Marcos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 72,711 total views

 72,711 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 91,060 total views

 91,060 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 109,344 total views

 109,344 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 264,109 total views

 264,109 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 308,556 total views

 308,556 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 160,308 total views

 160,308 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 266,575 total views

 266,575 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 292,389 total views

 292,389 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 295,644 total views

 295,644 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top