270 total views
Ikinatuwa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs ang paglago ng turismo sa bansa.
Ayon kay Lipa Batangas Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, maganda na bigyang prayoridad ng Departement of Tourism (DOT) na maipakilala pa sa mga dayuhan hindi lamang ang mga magaganda tanawin sa ating bansa kundi ang mayaman na pananampalataya ng mga Pilipino sa pagpapasa –ayos ng mga historical shrines at Simbahan.
“Ang interest ko especially ay hindi yung turismo kundi yung religious tourism na ibig sabihin ang pinupuntahan nila dito ay yung prayerfulness natin. ‘Yung mga shrines dapat pagandahin pa lalo natin yang mga yan,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.
Nanawagan rin ang obispo na maipagbawal sana ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga aliwan at sugalan na sumisira sa magandang larawan ng bansa at sa moral ng bawat Pilipino.
“Hindi ibig sabihin na ang pag – attract natin ay pasugalan yan ang ginagawang pag – attrack ng gobyerno ay sugalan. Bibigyang diin ko dito yung wala yung pasugalan at wala yung sex, yung talaga ang nakaka – edify sa ibang mga tao na paraang tingin nila sa mga Pilipino ay kahanga – hanga na parang ang pinupunta nila dito ay prostitusyon,” panawagan ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.
Nabatid na nakapagtala ng makasaysayang paglago ng turismo ang DOT na umabot sa 500,000 turista na ang bumista sa bansa nito lamang unang buwang ng 2016 kumpara ito sa 400,000 turista na naitala lamang sa parehas na buwan noong nakalipas na taon.
Batay naman sa mga nakalap na resibo, kumita ang bansa sa mga turista ng mahigit P21 bilyon mula sa mga tourism activities nitong Enero 2016.