Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

SHARE THE TRUTH

 63,909 total views

Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM.

Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng lahat ng staff, personnel, at mga bisita; tatlong set ng uniporme para sa 2,000 na secretariat; mga tauhan, kagamitan, at renovation para sa seguridad sa Batasang Pambansa; mga meeting bilang paghahanda ng mga ahensya; mga imbitasyon at giveaways para sa mga bisita; mga audio-vidual equipment; at mga halaman at bulaklak na pangdekorasyon.
Sa tingin ninyo, saan pa kaya aabot ang 20 milyong pisong ito?

Makapagpapatayo na ito ng walong silid-aralan, base sa itinakdang presyo ng Department of Education na 2.5 milyong piso para sa isang classroom. Kaya rin nitong bumili ng 400,000 kilong bigas, ayon sa Kabataan Partylist. Anila, “insensitive” daw ang napakalaking budget na ito para sa SONA, lalo na’t maraming Pilipinong naghihirap.

Hindi rin sang-ayon ang Kabataan Partylist sa pagbabawal sa mga dadalo sa SONA na magsuot ng mga damit na may political messages, gaya ng karaniwang ginagawa ng mga nasa oposisyon. Sabi ni House Secretary-General Velasco, hindi araw ng pagpoprotesta ang SONA. Nagbanta siyang maaaring arestuhin at idetine ang mga susuway. Hindi ito ikinatuwa ni ACT Teachers Partylist representative France Castro. Labag daw ang kautusang ito sa freedom of expression ng mga mamamayan.

Speaking of damit, sa taun-taong pagdaraos ng SONA, mistulang nagiging fashion event ito kung saan nagpapabonggahan ng damit ang mga dumadalo. Hindi iba ang SONA sa araw na ito, lalo na’t napangunahan na ito ng 20 milyon pisong gastos. Isa itong magarbong araw para sa pag-uulat tungkol sa estado ng ating bayan na maraming naghihirap at baon sa utang.

Ang SONA ay paraan ng pangulong ipresenta ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa at ng mga mamamayan, pati ang mga nagawa at ginagawa ng pamahalaan. Hindi sana ang mga dekorasyon at kagarbuhan ng SONA ang main attraction, kundi ang mga tao at ang tunay na kalagayan ng bansa. Imbis na patahimikin ang mga nagpoprotesta, pakinggan din dapat ng pamahalaan ang daíng ng mga mamamayan, kahit hindi SONA. Huwag nating hayaang masilaw tayo ng kagarbuhan ng SONA at mabulag sa tunay na nangyayari sa ating bayan.

Taglay ng pamahalaan ang awtoridad na unahin ang kapakanan ng taumbayan. Ayon iyan sa Catholic social teaching na Immortale Dei. Tayong mga mamamayan naman ay may karapatan sa malayang pananalita o right to free speech. Kung gayon, gaya ng sinasabi sa Mga Kawikaan 31:8-9, “Ipagtanggol [natin] ang mga ‘di makalaban … Ipahayag [natin] nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Mga Kapanalig, sa lahat ng ginagawa ng gobyerno, SONA man o hindi, dapat na malinaw sa atin kung paano nito inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan. Wala rin dapat mga hadlang sa malaya at responsable nating pagpapahayag ng ating saloobin at opinyon, lalo na kung ang mga ito ay upang manawagan para sa mga panukala at programang magpapabuti ng kapakanan ng mga mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kahalagahan ng fact-checking

 3,982 total views

 3,982 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 10,932 total views

 10,932 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 21,847 total views

 21,847 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 29,583 total views

 29,583 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 37,070 total views

 37,070 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahalagahan ng fact-checking

 3,983 total views

 3,983 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaigdigang kapayapaan

 10,933 total views

 10,933 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diabolical Proposal

 21,848 total views

 21,848 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasayang Ng Pera

 29,584 total views

 29,584 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Crisis

 37,071 total views

 37,071 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 39,212 total views

 39,212 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 40,431 total views

 40,431 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 34,812 total views

 34,812 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 49,029 total views

 49,029 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 62,247 total views

 62,247 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 54,162 total views

 54,162 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 57,344 total views

 57,344 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 58,743 total views

 58,743 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 57,086 total views

 57,086 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 65,728 total views

 65,728 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top