Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Sapat-Lifestyle”, gawing araw-araw na pamumuhay

SHARE THE TRUTH

 656 total views

August 31, 2020

Hinimok ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na baguhin ang paraan ng pamumuhay ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo sa paggunita ng “Season of Creation” ngayong taon na naiiba dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng Obispo na nakasisira ang makamundong paraan ng pamumuhay ng bawat isa partikular na ang pagiging konsyumerismo at materyalismo.

“Kasi untenable ang lifestyle natin. Talagang sinisira ng lifestyle natin ang ating consumerism, ang bahagi ng mundo natin. Tulad [ng] nangyari ngayong pandemic; hindi na tayo naka-travel, hindi na tayo nakakapag-malling, hindi na masyado magastos sa mga bagay-bagay. Kaya naman palang baguhin ang ating lifestyle”, pahayag ni Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mamamayan na bigyan ng panahon ang kalikasan upang makapagpahinga sa pamamagitan ng pagiging kuntento sa mga biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Kaya sana pumasok tayo sa tinatawag na “sapat-lifestyle”. We can say, sapat na, ito lang, tama na ito. Masaya na kami sa mga bagay na ito at hindi kailangan na mag-accumulate ng mga bagay na pagkatapos ay itatapon din natin”.panawagan ng Obispo

Ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi na pinalawig hanggang ika-11 ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Ngayong taong 2020 ang ika-walong taon ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas, kasabay ang ika-limang taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco tuwing unang araw ng Setyembre.

Hinihimok sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na pangalagaan at protektahan ang sangnilikha upang hindi magdulot ng pinsala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 82,555 total views

 82,555 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 95,095 total views

 95,095 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 117,477 total views

 117,477 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 136,790 total views

 136,790 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 30,517 total views

 30,517 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 30,504 total views

 30,504 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top