8,413 total views
Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara Duterte.
Ayon sa grupo, ang hakbang ay malinaw na pagtatakip at pagsasawalang bahala sa pananagutan na dapat tugunan ng Bise-presidente.
“Accountability is not a technicality. It is a responsibility to the people,” Cabalona emphasized. “We will continue to speak out — for truth, for workers’ rights, and for a government that holds the powerful to the same standards it imposes on the rest of us toiling workers,” ayon sa mensaheng pinadala ng BIEN Pilipinas sa Radyo Veritas.
Binigyang-diin din ng BIEN na sa kabila ng tumataas na presyo, mababang sahod, at masamang kondisyon sa trabaho, lalo pang nadarama ng mga manggagawa ang pasakit ng hindi makatarungang sistema ng pamahalaan dahil nadin sa pagsasawalang bisa ng impeachment trials.
Nanawagan ang grupo sa mga manggagawa at mamamayan na manatiling mapagmatyag at manindigan para sa tunay na pananagutan, kasunod ng paninindigan ng BIEN Pilipinas sa patuloy na pakikiisa sa lahat ng sektor na naghahangad ng hustisya, katotohanan, at pamamahalang patas para sa lahat na hindi lang para sa makapangyarihan.
“Late for work, you get punished. Abuse power, you get protected. It’s the kind of double standard we know all too well,” Cabalona said. “Workers are punished swiftly for the smallest mistakes. But when the powerful face serious allegations, they are rescued by legal loopholes and political allies.” bahagi pa ng mensahe ng Radyo Veritas sa Bien Pilipinas.
Una ng kinundena ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pag-archive ng Senado sa Impeachment Trials ni Vice-president Sara Duterte, dahil pagpapakita ito ng kabiguan ng pamahalaan na litisin ang mga dapat managot at tugunan ang pakikipagdayalogo sa taumbayan.