227 total views
Nanawagan ng subsidiya sa pamahalaan ang higit sa 2 libong pribadong unibersidad na miyembro ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).
Ayon kay Rene Salvador San Andres, executive director ng COCOPEA at ng Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) na maaring labagin ng kanilang hangarin ang nasasaad sa konstitusyon ng hindi maaring gamitin ang pera ng gobyerno sa pribadong sektor.
“Kapus na kapus po ang tuition money. Ang private schools umaasa sa tuition kung mababa ang tuition hindi mabibigyan ng magandang kalidad ng edukasyon, hindi makakuha ng magagaling ng titser. Yung mga mahuhusay na estudyante ay hindi pupunta doon. Ang nangyayari naiiwan diyan yun lang maka – afford,” bahagi ng pahayag ni San Andres sa Radyo Veritas.
Subalit, sinabi rin nitong may karapatan din naman ng ilang mga guro at estudyante na nasa pribadong sektor na magbabayad ng buwis na makinabang din dito lalo na ang makaranas ng dekalidad na edukasyon.
“Malaking tulong sana kung patuloy na mahanapan ng paraan sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED), sa Department of Education. Papaano ba magkakaroon ng suporta ang private schools ng hindi nilalabag ang constitution? Na sana ang public funds ay mapupunta sa private schools. At ang isang paraan nga could be increasing the subsidies para sa mga estudyante dahil hindi naman ito napupunta sa eskwelahan. Hindi naman eskwelahan ang nakikinabang rito kundi ibinibigay mo yung suporta dun sa mga pamilya na hindi maka – afford ng mas mataas na tuition.Yung suporta rin sa mga guro. Magtataas ng sweldo ang public schools hindi kaya ng mga eskwelahan ng mga madre, mga diocesan na pari na magtaas, sana may subsidy rin na ibigay. Kasi sa tingin ko ang isyu dun ay social justice dahil kailangan ding magpakain ng mga guro. Ang ibig sabihin ba ang isang guro sa isang private school ay walang karapatan katulad ng karapatan ng nagtuturo sa isang public school. Masuportahan din sana via constitutional right nila yun,” giit pa ni San Andres sa Radyo Veritas.
Ang COCOPEA ay binubuo ng 2500 pribadong unibersidad sa bansa habang ang CEAP naman ay mayroong 1500 miyembro kanilang na rito ang 5 sikat na unibersidad sa National Capital Region.
Naitala naman nasa ika-86 ang Pilipinas sa 100 bansa sa buong mundo na mataas na antas ng primary education.
Sa isang pahayag ni Pope Francis, sinabi nito ang mga katolikong paaralan na dapat ding maabot ang mga mahihirap na mamamayan para sa pagkakaroon ng mabuting edukasyon.