251 total views
Kaakibat ng pakikinig ay gawa.
Ayon kay Roy Calleja, chairman ng Filipino Movement for Transformational Leadership, kailangan tingnang mabuti ng mamamayan lalo na ng mga botante kung ano ang ginawa ng mga kandidatong ito sa nakalipas at kung ang kanilang mga gawain ay bunga ba ng kanilang pakikinig lalo na mula sa mamamayan.
Pahayag pa ni Calleja sa Veritas Lingkod Bayan Truth Forum, na sa kanilang programa at criteria sa Gabay ni Kristo, kinakailangan ang mag-research kung may panininidgan ang kandidato.
“Yung listening kasi makikita mo sa gawa, all candidates yung fruits na ginawa nila is born out of listening sa tao at sa Diyos ba?, dapat active siya sa kanyang faith…kaya kami sa Gabay ni Kristo tuloy tuloy kami, ‘pag nakikita ng iba na there is hope especialy kung maipasa natin ang anti dynasty bill, marami ng tatakbo, maraming matino na need natin suportahan, Kung magamit ang Gabay ni Kristo yung criteria, magdasal at tumingin sa mga website ng past ng kandidato kung ano – ano ang ipinaglalaban niya, Kami maglalabas din kami ng website para sa qualities ng candidates at bills na ipinasa niya before paano siya tumayo, ipinaglaban ba niya, kung may paninidigan ba siya, mag research din, kung wala nun wala ring pangyayari makikinig na lang tayo sa bulong bulong…” pahayag ni Calleja sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon naman Charlito Ayco, CEO ng Habitat for Humanity, kinakailangan din tingnan ng mga botante ang kandidato sa mga nakalipas niyang programa partikular na sa usapin ng pagiging makatao at sa tuwing may krisis kung ano ang kanyang nagiging tugon lalo na ang Pilipinas ay lantad sa mga natural calamities.
“Dapat habang namumuno dapat patuloy na makinig at sino ang kanyang pakikinggan, listen and obey, I don’t expect yung tao na biglang naihalal na presidente biglang mag-change, kaya tinitingnan ko, ano ang buhay niya dati, nakikinig ba siya, ang puso ba niya nasa tao, nagnanakaw ba siya, kasi kung ano ang naging kaugalian niya yun pa rin ang gagawin niya sa puwesto, so sa tingin ko balikan ko na lang , mga programa niya makatao ba, in crisis situayion anong tugon niya, consistent ba yung ginagawa niya, kasi kung pulitika lang hindi consistent yan, may prinsipyo ba siya, mahirap o hindi kailangan ito ang prisispyo niya ang kanyang paninindigan, ang kailangan ngayon ng mga Filipino gamit dahil nasa emergency mode ang Pilipinas ngayon…” ayon kay Ayco.
Binigyang halimbawa ni Ayco na sana makinig sa kanila ang mga susunod na mamumuno sa bansa sa usapin ng pabahay para sa mahihirap na kanilang ihahain.
Aniya, kumikilos na ang kanilang grupo upang ihain sa susunod na administrasyon ang kanilang housing agenda lalo na at 4 na milyong pamilya ang walang sariling bahay sa ngayon at ito ay tataas pa ng hanggang 5 na milyon kung hindi mabibigyan ng atensyon.
Sinabi ni Ayco na kinakailangan na magdagdag ng pondo sa pabahay ang gobyerno at ayusin ang regulasyon sa housing.
Dagdag ni Ayco, isa ang usapin ng kakulangan ng pabahay kung bakit mahirap ang isang pamilya dahil isa ito sa kanilang basic needs o basic rights dahil sa Pilipinas nasa .089% lamang ang Gross Domestic Product na alokasyon sa housing na pinakamababa sa mga bansa sa Asya.
Nasa 5 ang presidentiables ngayong 2016 national elections habang nasa mahigit 18,000 ang elective positions at nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante.