190 total views
Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting na lalong lalala ang vote buying at vote selling sa darating na halalan kapag ipinatupad ang desisyon ng Korte Suprema na maglabas ng resibo sa pagboto ng mamamayan.
Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta De Villa, mag-reresulta rin ito ng pagnenegosyo sa pagboto dahil may katunayan na ibinoto ang kandidato dahil sa resibo.
“Ang vote buying and vote selling talagang magigiging ganap, dahil may proof ka na na ito ang binoto ko, magiging negosyo talaga ito, sa aming pagpupulong din, ayaw ng marami ang pag-iisyu ng resibo dahil maliban sa magkakaroon ng katiwalian, tatagal ang oras sa pagboto…” ayon kay De Villa sa panayam ng Radyo Veritas.
Pahayag pa ni De Villa, nawa ay magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang Korte Suprema at ang Comelec para maayos na ang gulo sa halalan lalo na at wala ng panahon ang tanggapan dahil sa April 9, 2015, ipatutupad na ang absentee voting.
“Hindi lang nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang Korte Suprema at ang Comelec… kulang na lang sa 2 buwan halalan na, kung talagang ipapatupad ang desisyon ng SC kulang talaga sa panahon ang preparasyon, imagine ire-recall mo lahat ang 96,00 machines, yung pag iisyu ng resbio eh di naman on and off yun, need I update mo ang hardware, need na ipasok mo ulit yung software , irereprogram ulit, Ite-test pa lahat yun., isa pa sa April 9 na ang absentee voting.” Pahayag ni De Villa sa panayam ng Radyo Veritas.
Nasa mahigit 18,000 ang elective positions kung saan bawat botante ay magsusulat ng mula 25 hanggang 37 kandidato sa kanilang mga balota ngayong halalan.
Una ng nanawagan ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa mga botante na huwag ihalal ang mga kandidatong bumili ng boto dahil kapag naluklok ang mga ito sa posisyon, babawiin din nila ang kanilang nagastos sa pangangampanya mula sa bulsa ng taong bayan.